KAREN'S POV
Haay! Birthday ko ngayon pero wala namang bumati sa akin. Well, except kay bee, siya nga ang nagpaalala sa akin na birthday ko. hehehe.
Ganun na ba ka busy sina nanay at tatay ni hindi man lang tumawag o magtext para batiin ako. Sila pa nga noon ang kauna-unahang bumati sa akin.
Si lolo naman, alam kong busy yun pero sana magtext man lang.
Si Bessy naman, ewan saang lupalup siya nandun. Si Charles at Levi naman, ewan ko din sa magpinsang yun.
Haay! Ito ako ngayon nakatambay sa canteen mag-isa. Wala kasi si Miko dahil may biglaang meeting daw sa Camera Club. Napabuntong hininga na lang ako.
Rebet... Rebet... (message alert tone ko.)
From: Bee <3
Bee, mauna ka na lang umuwi medyo matatagalan pa kami. Ingat sa pag-uwi. Love you :*
Napangiti ako ng di oras dahil lang sa huling text niya. Agad din naman akong nagreply.
To: Bee <3
Okey bee. Kaw din ingat. Love you too. :*
Oh huh! Kinikilig ako. Hehehe para naman akong highschool nito. hehehe. Matapos ko siyang nireplayan umuwi na ako. Masunuring bata kasi ako. hehehe.
-----
Nasa may sala ako ng may nagdoorbell. Sino naman kaya ang bibisita sa amin? Ako na ang magbubukas ng gate dahil si Manang ay abala sa paghahanda ng meryenda.
"Ano pong kailangan natin?" sabi ko dun sa babae mga nasa mid-20's siya.
"Kayo po ba si Mrs. Karen Dela Fuente Santillan?" tanong niya.
"Oo. Bakit po anong kailangan nila?"
"Ako nga po pala si Yana, assistant po ng lolo niyo. Pinapasundo niya po kayo sa akin." Si lolo? Bakit naman kaya? Pinapasok ko muna si Ms. Yana sa loob para naman makapagmeryenda. Nasa may sala kami kasama si Manang Rosie, hindi na naman iba si Manang parang pangatlong nanay na nga namin yan ni Miko. Siyempre mga nanay namin ni Miko ang una at pangalawa. hehehe.
"Bakit nga raw ako pinapasundo ni lolo?" Tanong ko kay Ms. Yana sabay inum ng orange juice.
"Hindi ko po alam, basta ang utos lang niya sa akin na dalhin kita sa mansyon na wala pang alas tres." Napatingin naman ako sa wall clock namin. Hala 2:35pm na. Baka magalit si lolo pagdi kami dumating sa oras. Agad akong nagbihis at tinext ko na rin si Miko na pupunta ako sa mansyon.
Nakarating na kami sa mansyon at pina diretso kami ni lolo sa opisina niya.
"Oh nandito na pala ang apo ko." Lumapit ako kay lolo at humalik sa pisngi nito. Nakangiti lang ako dun sa isang babae na sa tanya ko ay nasa mid-40s at sa dalawang bakla. Si Ms. Yana naman ay nakatayo na sa tabi ni lolo.
"Gusto kong pagandahin niyo lalo ang apo ako para mamaya." mauturidad na sabi ni lolo.
"Makakaasa po kayo Don Martin." sabi nong babae. Teka, ba't naman nila ako pagagandahin?
"Naku atey, Kunting magic lang ang gagamitin namin sayo maganda ka na kasi." bakla 1 na ang pangalan ay marla.
"Tama si Marla, hindi na kami mahihirapan sayo." bakla 2 na ang pangalan ay Cristy.

YOU ARE READING
MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)
RomanceWhat will you do if your life is almost perfect eventhough your not rich, then one day you found out that your getting married and the worst thing is your marrying your worst enemy. Will they fall in love for each other or will stay enemy forever? ...