CHAPTER 32: MIREN (3) 'confession'

6.7K 144 4
                                    

KAREN'S POV

GOOD MORNING SUNSHINE!

Maaga siyempre akong gumising baka kasi iwanan ako ni Miko. Napakabipolar pa naman nun. Matapos kong maligo, mag-ayos ng sarili at magsuot ng uniform bumaba na ako. Agad ko naman na kita si Miko na umiinom ng kape at nagbabasa ng dyaryo. Si Manang Rosie naman ang naghanda ng agahan. Umupo na ako sa harapan ni Miko. Ininum ko muna ang Fresh milk na hinanda ni Manang para sa akin at kumain na ng agahan.

----- Fast Forward:

Magkasabay nga kami ni Miko papunta sa school. Habang nagmamaneho siya nakatingin lang ako sa bintana. Ano na naman kayang problema ng lalaking to? Kanina pa niya ako hindi kinikibo. Nang nasa malapit na kami na lagi kong binababaan sa tuwing sabay kami papuntang school.

"Miko, dito lang ako." Hindi kumibo si Miko at lalong hindi siya huminto. Kakainis huh baka makita pa kami ng mga estudyante bugbog sarado na naman ako nun.

"HOY! Ba't hindi mo hininto?" sabay hampas sa braso niya.

"Ano ba mababangga tayo sa ginagawa mo." Tinigil ko ang paghampas sa kanya.

"Ano ba bakit hindi mo hininto dun? Malapit na tayo oh!' Sabay turo ko sa gate ng Sykes University. Ano naman ang pinaplano ng lalaking to?

"Di ba sabi ko SABAY TAYO!" Oo nga magkasabay kami pero hindi ito ang ibig sabihin na sabay parin kami sa pagpasok ng University. Papasok na ang kotse ni Miko sa gate. Ni ngitian ko lang si Manong Fred, hindi ko naman mabati kasi nasa loob ako. Pinark na niya ang kotse sa parking lot. Nauna na siyang bumaba at dire-diretsong naglakad papunta kina Levi at Jenny. Nandito na pa rin sila. Paano ba ako bababa dito baka kuyugin na naman ako ng mga estudyante rito, napakarami pa namang estudyante dito. T_T Lokong Miko to ah. Nakatingin naman si Jenny sa kinaruruoan ko. Binigyan ko siya ng tulungan-mo-akong-makalabas-dito-look pero ningitian lang ako ng maganda kong bestfriend. Lumingon naman si Miko sa kinaruruoan ko at lumapit sa akin. Binuksan niya ang pinto ng shotgun seat kong saan ako nakaupo.

"Gusto mo bang masuffocate diyan sa loob? Bakit hindi ka bumaba?" Medyo galit na boses ni Miko. Nakanguso lang ako dun sa mga estudyante na ngayon nakatingin na sa amin.

"Wag mo na silang problemahin." sabay kuha ng bag ko.

"Baka kuyugin na naman ako ng mga yan." nag-alala kong sabi sa kanya.

"Promise wala ng mananakit sayo. Kung meron man lagot sila sa akin." Inalalayan akong bumaba ni Miko ng kotse. Creepy naman! Silang lahat nakatingin sa amin. Magkasabay na kaming umalis nina Jenny, Levi, Miko at ako sa parking lot. Nagtaka naman ako dahil binabati nila ako lahat.

---------- Fast Forward:

May swimming practice kami ngayon at ayun sa doctor ko pwede na raw akong magswimming. Nakaupo lang ako sa bleachers habang naguunat ng braso na may biglang tumabi sa akin. Si Myla, sa lahat ng swimmers siya ang pinakamalapit sa akin.

"Ang Swerte mo Ren!" Ren ang tawag niya sa akin. Anong maswerte? Saan ako maswerte?

"Huh?! Anong sinasabi mo?" Nagtataka kong tanong.

"Ikaw talaga. Nagmaang-maangan ka pa." Hindi ko talaga siya maintindihan.

"Hindi kita gets my.!" Promise!

"Ba't hindi mo sinabi na asawa mo pala si Miko? Nakakahiya tuloy sayo. Sayo ko lahat sinasabi ang pagnanasa ko sa kanya." Hindi pa nagsink-in sa utak ko ang mga sinabi niya. Anong asawa? Sinong may sabi? Waaahhh!

"Sa--saan naman nanggaling ang tsismis na yan?" Tama! Tsismis lang!

"Sino pa, edi kay Miko mismo, sinabi niya nong niligtas ka niya."

MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)Where stories live. Discover now