KAREN'S POV
Papalapit na kami sa garden kung saan isinigawa ang party. Ang rami namang tao. Nandyan yung mga kaklase ko at guro. Yung iba naman mga kasosyo siguro ni lolo.
"Wag kang kabahan nandito naman ako." sabi ni Miko habang nakangiti. Naramdaman siguro niya ang naramdaman ko. Lumapit kami papunta kay lolo.
"Oh! Nandito na pa la ang apo ko." sabi ni lolo sa kanyang kausap.
"Happy Birthday ija. Ang ganda mo naman. Mana ka talaga sa mommy mo." sabi nong kaibigan ni lolo.
"Thank you po." Ningitian ko lang siya. Muli naman silang nagusap ni lolo.
"Excuse us!" sabi naman ni Miko. Pumunta kami dun sa table ng mga kaklase namin.
"Ikaw Karen ah. Apo ka pala ng isang multi-billioner business man." Liza. Ningitian ko lang siya.
"Well, anyway girl happy birthday!" sabay yakap sa akin. Binati naman ako nong iba pati yung guro namin. Present din ang buong barkada sa kabilang table. Dun sana ako uupo pero pinaalis nila ako.
"Hindi ka dito bessym dun kayo." Sabay nguso dun sa table na nasa gitna.
-----
"Test mike, Mike test... Okey! Ladies and gentleman good evening!" sabi nong baklang Mcee.. Blahh... Blahh... Blahh... Choo... Choo...
"Now, may I call on Don Martin Madrigal for his...." Blahh... Blahh... Blahh... Choo... Choo... Umakyat si lolo sa stage.
"Good evening once again ladies and gentlemen. First of all, I would like to thank you all for coming in my grand daughter's birthday. Nagpapasalamat din ako sa anak ko na si Christina Madrigal Dela Fuente at sa kanyang pamilya dahil pinatawad at binigyan nila ako ng pagkakataong makasama sila." Nangingilid ang mga luha ko sa mata parang may pinapahiwatig si lolo na iba.
"George, sayo ko ipinagkatiwala ang lahat ng negosyo ko. Sana mapalago mo pa ito ng husto at wag mong kalimutan maglaan ng oras para anak at apo ko." Tumango naman si tatay.
"Christina, Alalayan at alagan mo ang pamilya mo lalong-lalo na ang apo ko."
"Miko, my grand son in-law alagaan at wag mong sasaktan ang apo ko."
"Makakaasa po kayo." He murmured.
"Karen apo ko, kahit sandali pa lang tayong nagkasama mahal na mahal kita. Sana nagustuhan mo ang suprisa namin na nagmamahal sayo. Happy birthday!" Pumunta ako agad sa mini stage para salubungin si lolo ng yakap.
"Kahit naman po wala ang mga ito masayang-masaya po ako. Thank you!"
----- Fast Forward:
" May I have to dance with my beautiful daughter?" Aya sa akin ni Tatay. Siyempre tumayo na ako agad.
INSTRUMENTAL PLAYS: 'Dance with my father'
"Pasensiya ka na anak di man kita nabigyan nuon ng party." -tatay
"Ano ka ba tay, masaya na ako magkasama na tayong tatlo nun." Ito talagang si Tatay maiiyak pa ata. Nagsayaw lang kami ni Tatay pati na rin yung ibang bisita. Biglang lumapit sa amin si lolo.
"Maari ko bang maisayaw ang apo ko?" tanong ni lolo. Binigay naman ako ni tatay kay lolo.
"Masaya ako ngayon apo dahil masaya ka."

BINABASA MO ANG
MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)
RomanceWhat will you do if your life is almost perfect eventhough your not rich, then one day you found out that your getting married and the worst thing is your marrying your worst enemy. Will they fall in love for each other or will stay enemy forever? ...