CHAPTER 72: GET TOGETHER (1)

5.6K 97 2
                                        

KAREN'S POV

Makaraan ng isang linggo magbuhat nong meeting kuno namin ni Miko ay nagmerge na ang dalawa naming kompanya. Palagi ko na siyang makikita ngayon lalong lalo na nasa iisang department lang kami.

Hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Ang sakit lang isipin na hindi na niya ako mahal at ikakasal na siya. Kawawa naman yung mga anak ko. Kasalanan ko naman ito. Ako ang lumayo at ng iwan. Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Agad naman ko pinunasan baka may makakita sa akin dito.

"Okey ka lang Ms. Karen?" Tanong ni Dionne, secretary ko. Kasasabi ko lang di ba na baka may makakita sa akin. At meron nga.

"Okey lang ako. napuwing lang ako bigla." Nag-okey sign naman siya sa akin at bumalik sa pwesto niya.

Alam niyo kahit araw-araw na kaming magkasama. Cold pa rin ang treatment niya sa akin.

Well, expected ko naman to.

Sino ba naman gustong makasama ang kanyang ex-wife na nangiwan sa kanya sa iisang lugar?

Kahit gustuhin ko mangumalis at bumalik ulit sa London kung saan ako masaya ay di pwede. Kailangan ako ng parents ko dito.

"Oh babe, I miss you." Dinig kong sabi ni Miko sa phone niya. Biglang sumikip ang dibdib ko. Siguro yung fiancee niya ang kausap niya.

"Oh sige. Just take care for me. I love you." Parang sinaksak ang puso ko. Hindi ko na kakayanin to kailangan kong makaalis rito. Nagmamadali akong lumabas ng opisina na walang paalam. Itetext ko na lang si Dionne mamaya. Nagdrive na ako pauwi sa bahay.

Pagkadating ko sa bahay sinalubong agad ako ng aking happiness. My two adorable angels.

"Mommy, why are you so early? Are you sick?" tanong ni Eris sa akin sabay hawak sa noo ko.

"No honey, mommy is okey. Okey?" I said to them.

"Mommy, can you cook us our favorite pancakes?" Eros said.

"Yes sweetie, mommy will cook later after you put all your toys in the proper place." Kasi naman nagkalat lang yung laruan nong dalawa. Pinakarami rito kay Eros.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nililigpit yung mga toys nila. They grow up faster. Maybe someday soon tatanungin nila ulit ako about sa father nila.

"I'm home!" sabi ni Charles na kakapasok pa lang.

"DADDY!" Agad namang tumakbo yung dalawa papunta sa kanya. Kung natuturuan lang ang puso si Charles talaga ang pipiliin ko. Kasi hindi eh. parang may sariling utak ang puso natin.

"Maaga ka yata ngayon?" -Charles.

"Masama kasi pakiramdam ko." yun nalang ang naisagot ko sa kanya. At kaya ni Eris hinahawakan naman niya noo ko. Ano to parang dejavo lang. hehehe.

-----

Nagdaan ang mga araw, linggo at buwan ganun pa rin ang pakikitungo sa akin. Pero bakit ganun siya pa rin ang laman ng puso ko.

"Guys, we have a get together out of town this weekend at sagot na lahat ng kompanya." Nagkagulo silang lahat except sa akin. Hindi naman ako sasama diyan. Weekend is family bonding.

"Napag-isipan ko na sa baguio na lang tayo. We stay there for 2 nights and 3 days parang retreat lang." After iannounce nong get together out of town na yan ay nagsibalik na sila sa kanikanilang pwesto.

MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)Where stories live. Discover now