MIKO'S POV
"Tina tingnan mo yung mga anak natin ang sweet noh!"
"Oo nga. Magkayakap pa silang dalawa."
"Wag nga kayong maingay baka magising sila."
"Oh ba't magkayakap yang dalawa?"
"Wag ho kayong maingay papa. Baka magising sila."
Ang ingay naman. May natutulog pa nga oh.
-_<
>_-
O_O ako yan.
Agad akong napaupo sa kama.
"Hmmmm..." Oo nga pala magkatabi kami ni Karen.
"Ano ba Miko wag kang malikot natutulog pa ako." Sabi ni Karen ng nakapikit parin.
"Gumising ka na nga. Pinapalibutan na nila tayo." Agad naman siyang dumilat at tulad ko napaupo din siya sa kama. Halatang namumula si Karen. Ako rin naman nakakahiya kaya.
"Anak pwede ka ng lumabas mamaya." sabi ni nanay Tina Karen.
----- Fast Forward:
Sabay kaming lumabas ni Karen sa hospital. Ako na ang nagdala ng mga gamit niya dahil ang mga parents namin ay may kanya-kanyang lakad. Pati na rin si Ate kailangan siya dun sa University. Pagdating namin sa bahay pinaupo ko lang siya sa sofa, ako naman dumiretso sa kusina para ihanda yung pagkain na tinake-out ko kanina bago kami umuwi. The food is prepared sunduin ko lang siya sa sala.
"Halika ka na kain na tayo." Inalalayan ko siyang tumayo. Pero bago pa siyang tuluyang nakatayo...
"May sakit ka ba ngayon Miko?." Hinawakan pa niya ang noo ko. "Wala naman." Nagtataka niyang mukha.
"Bakit ang sobra mo atang magalaga ngayon sa akin?" tanong niya na may nakakalokong ngiti. Pambihira! Siya na nga tong inaalagaan.
"Bahala ka nga. Kumain ka magisa mo." Iniwan ko na lang siya at umakyat sa taas. Kainis naman tong babaeng to!
KAREN'S POV
ANONG NANGYARI?
TINATANONG NGA LANG.
Napakabipolar!
Bahala siya. Kung ma pride siya, ma pride din ako.
Kumain na lang ako sa mga hinanda niya. Nakakagutom kasi, ilang araw din akong hindi kumakain ng matino. Uubusin ko talaga to. Bahala siya maghanap ng makakain niya. Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko na yung mga plato at nagtuloy sa kwarto. Matutulog muna ako, sabi kasi ng doctor magpahinga lang ako para bumalik na yung lakas ko.
-----
Nagising ako sa malakas na pagTOK-TOK ng pinto. Gusto sigurong sirain ang pinto ko. Bumangon ako at dumeritso sa pinto hindi na ako nag-abalang mag-ayos baka si Manang Rosie lang yan. Pagbukas ko ng pinto
O_O ayun napahiya tuloy ako sa damuhong lalaking to. Bahala na! Pagsusungitan ko siya.
"Ano bang kailangan mo?" tanong ko sa kanya na nakatulala pa. Ano na namang nangyari? Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, and now I realize, nakasuot lang pala ako ng manipis na puting tshirt hanggang tuhod ko kasi malaki.
"BASTOS!" Agad kong sinarhan ang pintuan. SHOCKS! Dobleng kakahiyan naman to. T_T huhu. Nagbihis ako ng matinong damit at muli naman siyang kumatok at sumigaw sa labas ng pintuan.
"Bumaba ka na, kakain na tayo ng dinner." DINNER? Gabi na pala, Hindi ko man lang namalayan. Siguro si Manang Rosie na ang naghanda ng pagkain. Bumaba na ako at nakita ko sa Miko mag-isa sa kusina.
"Asan si Manang Rosie?" agad kong tanong sa kanya ng maupo ako sa dining table.
"Hindi ko na siya pinapunta rito. Ako na lang ang naghahanda ng pagkain natin. Wag kang magalala sinugurado akong malinis lahat ang mga ingredients at ginamit ko sa pagluluto." Sabi niya habang nilalagyan ang plato ko ng pagkain. OH! Tiningnan niyo tong lalaking to kanina sinungitan ako, ngayon maalaga naman, Napakabipolar! Tss!
"Oo nga pala sabi ng doctor pwede ka ng pumasok sa school." sabay subo ng kanin. Napangiti na lang ako. Kailangan ko talagang makahabol sa lessons namin.
"Oo nga pala, sabay tayo bukas. Gumising ka ng maaga." dagdag pa niya. Tinanguhan ko lang siya.___ Nang matapos kaming kumain nagvolunteer ako na maghugas ng pinagkainan namin pero hindi siya pumayag. Baka kasi raw mabinat ako. Kaya ayun siya na ang naghugas. Pinagmasdan ko lang siya. Ang gwapo niya sa suot niyang apron. Ang swerte ko naman siya ang naging asawa ko. Aaminin ko nong mga panahon na nagkasakit ako at binugbog ng mga estudyante. Inaalagaan niya ako, alam ko rin na siya ang nagligtas sa akin dun sa ng bully sa akin. Parang may kung ano akong naramdaman sa puso ko at sigurado na ako ngayon na MAHAL KO NA SIYA!
"Hoy! Ano na ang nangyari sayo?" bigla akong natauhan sa pagkalabit ni Miko sa akin. Napatutula na pa la ako kanina. Kakahiya naman. TRIPLE NA HIYA KO NGAYONG ARAW NA ITO. T_T Lupa higupin muna ako ay hindi pala Tiles higupin muna ako. Hindi pala lupa ang tinatapakan ko. :-)
"Wa--wala." Hala! Ba't nauutal ako. Tiningnan niya ako ng seryuso.
"A--ano? Tapos ka na?" Napakaobvious naman ng tanong ko. huhu.
"Kanina pa!" sagot niya. Seryuso pa rin siyang nakatingin sa akin. Ano ba to pinagpapawisan ako ng malagkit. Hindi naman mainit!
"Halika ka na nga hatid na kita sa kwarto mo. Magpapahinga ka ng maaga." Sabay hila sa akin papuntang hagdan. Hinatid niya ako hanggang sa kwarto.
"Sige, matulog ka na may pasok pa tayo bukas." Pagkatapos niyang sabihin yun, nagbigla ako ng hinalikan niya ako sa noo.
"Good night!" He said. Tuluyan na siyang pumasok sa kwarto niya na nasa tabi ng akin. Naiwan naman akong nakatayo sa pintuan ko. Napahawak ako sa puso ko, ang bilis ng tibok. Ganun din kaya si Miko?
Pumasok na ako sa kwarto at naghiga na sa kama. Kailangan ko ng matutulog. Tomorrow is another day!
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Every weekend na talaga ako makakaupdate. Busy kasi sa school lalo na ngayon magpepreliminary exam na.
Susubukan ko po na maraming chapters ang maupdate ko.
Sana po maintindihan niyo ako.
Vote and comment pa rin po.
Thank you & God bless!
-deekee

KAMU SEDANG MEMBACA
MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)
RomansaWhat will you do if your life is almost perfect eventhough your not rich, then one day you found out that your getting married and the worst thing is your marrying your worst enemy. Will they fall in love for each other or will stay enemy forever? ...