CHAPTER 16: VACATION TRIP (2)

6.2K 144 1
                                    

Sa wakas! Nakabalik na rin kami dito sa manila. Pero nandito pa rin kami sa loob ng kotse ni Miko. Papasok kami sa isang subdivision. Galing kasi ng bakasyon namin diretso na kami sa bahay namin na niregalo ni lolo.

"Miko, Saan ba dito ang bahay?'' Nakakainip kasi gusto ko ng mahiga sa kama ang layo kaya ng pinanggalingan namin.

"Baka nandun sa dulo.'' sabi niya habang palinga-linga.

"Ano ba kasi ang palatandaan ng bahay?''

"Hindi ko rin alam. Basta yun daw naiiba sabi nong guard." Pathrill din naman tong si Manong guard ayaw sabihin yung exact location ng bahay. Biglang nagring yung phone ko.

If I let you love me

be the one adore

would ypu go on the way

to be the one I'm looking for~

Ringtone po yan ng phone ko. (Adore by: paramore)

Charles Calling...

"HELLO!" masigla kong bati.

[Wow! Ang saya natin ah?!]

"Hehehe... Kumusta na?"

[Okey lang! Namimiss ka.]

"Namiss din kita." ^_^ close na talaga kami ni Charles siya na ang boy bestfriend ko.

[Kilig naman ako.]

"GAGO! Hahaha. Ba't ka pala napatawag?''

[Ah. Tatanungin sana kita kung papasok ka na ba?]

"Baka sa susunod na araw na. Nakaleave kasi ako."

[Ah! Ganun vah! Sige! Ingat ka lagi.]

"Okey! Kaw rin ingat."

-totoot totoot-

"Sino yun?''

"Wala kang pakialam" at ibinalik ang tingin ko sa bintana.

MIKO'S POV

Sino yun? may pamiss-miss pa siyang nalalaman.

Selos ka lang...

AKO MAGSESELOS? NEVER!

"Ooy! Miko ito na siguro yung bahay natin.'' nilingon ko yung tinuturo niya. Ito lang kasi ang naiiba at ang laki pa. Bumaba na kami ni Karen ng kotse at binuksan yung gate. Hindi mo na namin pinapasok ang kotse sa garahian. Pagbukas ng pinto.....

"SURPRISE!" nandito ang buong pamilya namin pati sina lolo Nicolo at lolo Martin.

"Kumusta ang honeymoon mga apo?" lolo Nicolo

"Po?!" ako/Karen

"Ah! Mabuti naman po. Nagenjoy kami ng asawa ko. di ba asawa ko?" sabay akbay ko sa kanya. Nagulat naman siya.

"O-Oo nga po." sabi ni Karen.

"Kailangan niyo kami bibigyan nga apo?" lolo Martin. Naibuga ko yung juice na ininum ko. Ano bang klasing tanong yun.

"Papa, mga bata pa sila at tsaka nag-aaral pa ang mga yan." nanay Tina.

"Oo nga papa. Kailangan muna nila tapusin ang pag-aaral nila.'' mommy.

"Oh siya sige. Basta bigyan niyo kami ng apo agad pagkagraduate niyo." O_O itsura namin ni Karen.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa gumabi na. Nauna ng umuwi ang mga elders.

"Malapit na ulit ang pasukan. Wag na kayong magalala ako na ang bahala sa pag-eenrol niyo." ate. Salamat naman para di na ako mahirapan at maexpose ang aking kagwapuhan.

"Darling, wag ka ng magtrabaho sa faculty. Focus ka na lang sa study para madali kayong makapaggraduate ni Miko para----" Tinakpan ko agad ang bibig ni mommy.Tss. Si mommy talaga.

"Miko, kailangan ka pa naging bastos huh?" nagalit si Miko.

"Eh kasi naman kayo hindi po komportable ang asawa ko.''

"Ayyyiiiieee! Kinikilig ako." ate. Palibhasa walang LOVE LIFE! HAHAHA

"Eh, Bakit ikaw? Meron?" Aish!

"Mabuti nga yun Lira para hindi na mahihirapan si Karen." nanay Tina

"Karen, anak tumigil ka na din sa pagtatrabaho sa coffee bar para magkaroon kayo ni Miko ng quality time.'' Tatay George.

"Tay, di ba po pinagusapan na natin ang bagay na yan." at uminom ng juice. Ano ba kasi ang meron sa coffee bar na yun? Ba't di niya maiwan?

"Oh siya sige kung yan ang gusto mo pero wag mong kalimutan na may obligasyon ka sa asawa mo." Tatay George.

"Opo!''

Malalim na rin ang gabi kaya umuwi na rin sila. Sa wakas makapagpahinga na rin ako. Dumiretso na agad kami kwarto. Tig-iisang kwarto. Sige matutulog na ako.

ZZZzzzzzz... -_-

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Short update lang po muna.

Supportahan niyo po ang estoryang to hanggang sa huli.

Keep on voting ang comment kung trip niyo.

Thank you!

God Bless!

-deekee


MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)Where stories live. Discover now