KAREN'S POV
Pagkatapos ng trabaho dumiretso na ako ng uwi sa mansyon ni lolo. Oo nga pala nga nalipat na kami nong nakaraang buwan. Sa una hindi ako makapaniwala na ito ang lilipatan namin. Sa sobrang laki na pa WOW! na lang ako. hehehe. Magkaki-kita pa kaya kami ng nanay at tatay ko rito??? Sina nanay at tatay naman ang inatasang mamamahala sa mga kompanya ni lolo. MGA talaga! Ang yaman talaga ni lolo. Wala naman daw ibang mamamahala ng kompanya kundi kami lang. ^_^ Pinapatigil na nga nila ako sa pagtatrabaho pero ayaw kong bitawan ang dahilan kong bakit kami nagkita ni lolo. Mahalaga sa akin ang coffee bar na yun. hehehe
"Karen ija, kanina pa po kayo hinihintay ng lolo at magulang mo sa opisina ng lolo mo." Salubong sa akin ni Manang Rosie. Siya yung namamahala dito sa loob ng mansyon hawak niya ang napakaraming katulong.
"Sige po! Pupuntahan ko na sila. Salamat po!'' Agad naman ako nagpunta sa opisina ni lolo.
TOK! TOK! TOK!
"Come in!''
"Mabuti naman at nandito ka na ija." lolo
"Pinatawag niyo po raw ako?"
"Oo apo may pag-uusapan tayo.''
"Ano po yun lo?''
"Ipapakasal kita." TOTOO ba tong sinasabi ni lolo? Ipapakasal niya ako. Napatingin ako sa kinaroroonan nina nanay at tatay. Tahimik lang silang dalawa.
"Napag-usapan na namin ito ng nanay at tatay mo. Ipapakasal kita sa apo ng kaibigan ko."
Pinagkakaisahan ba nila ako? Ba't ako magpapakasal sa taong hindi ko naman mahal at lalong lalo hindi ko kilala.
"AYOKO!" yun lang ang sinabi ko at tumakbo na ako palabas ng opisina ni lolo.
Dumeritso ako sa likod ng mansyon na may maliit na garden. Parang secret garden kasi walang nagaalaga dito. Mataas na ang mga damo dito tila napabayaan na. Nakita ko ito no'ng naglilibot libot ako sa buong mansyon.
Tanging iyak lang ang ginawa ko. Sino ba naman ang gustong magpakasal sa taong di mo kilala. Uso pa ba ngayon yang Arrange Marriage na yan? Napatigil ako sa pagiyak ng may biglang nagsalita sa likod ko.
"Wag ka ng umiyak anak!" si nanay pa la.
"Bakit po kayo pumayag na ipakasal ako sa lalaking hindi ko mahal lalo't lalong hindi ko kilala." mangiyak-ngiyak kong tanong.
"Sorry anak! Iniisip lang namin ng tatay mo ang kinabukasan mo.''
"Yun ba talaga ang dahilan nay?''
"Oo anak. Ayaw ko maranasan mo ang mga naranasan namin ng tatay mo noon. Oo inarrange marriage din ako ni papa sa anak ng kaibigan niya. Sa araw ng kasal namin tinulungan akong tumakas ng mapapangasawa ko sana at nagsama kami ng tatay mo..." Umiyak na lang ako.
"Nay kahit po ba di ako papayag ipapakasal pa rin ako ni lolo sa taong yun?''
"Oo anak." Wala na pala akong magagawa pumayag man ako hindi yun pa rin ang kalalabasan ng buhay ko.
JENNY'S POV
It's almost 1 month...
Hindi pa rin kami nagkikita ni bessy. Namimiss ko ang galaan naming dalawa... Na may biglang tumawag....
I'll be your crying shoulder
I'll be love suicide
and I'll be together when I'm older
I'll be the greatest love of your life...Ganda na ring tone ko noh?!
si Author ah... Addict sa I'll be...
*(Rinig ko yun huh!)
JOKE!
"Hello!"
[Bessy?] boses ni bessy na parang umiiyak.
"Bakit ka umiiyak Bessy? May problema ba?''
[ipapakasal ako ni lolo] direkta niyang sagot.
Loko tong lolo niya ah!
"Sino? Kanino? Kilala mo ba?"
[Yun nga eh, hindi ko kilala,]
"Ano naman sabi nina tito at tita?"
[Pumayag sina nanay at tatay] ANO? kalma lang Jenny hindi naman ikaw ang ipapakasal.
"Eh, ikaw pumayag na ba?''
[Nong una hindi ako pumayag pero nong kinwento ni nanay ang pinagdaraanan nila ni tatay. Ayaw kong mangyari sa akin yun sandali pa lang kami nagkakasama ni lolo.]
"So it means pumapayag ka na?" iyak na lang ang narinig ko sa kabilang linya.
"Wag kang magalala bessy nandito lang ako lagi." yun na lang ang nabitawan kong salita. Mayamaya nagpaalam na si bessy. Kawawa naman ang bestfriend ko. Wag namang sana yung masama ang ugali, mayabang, mapanglait o di kaya'y may lahing maligno, aswang at dwende ang mapapangasawa ni bessy. Ayaw ko namang makita na bugbug sarado si bessy at tsaka ayaw ko malahian ng kung anong maligno ang inaanak ko. Kawawa naman yun.
MIKO'S POV
Philippines...
Nakauwi na rin ako sa condo ko. Namiss ko tuloy ang magbakasyon sa palawan. Pupunta kaya ako dun ngayon para di matuloy ang pagmamanhikan bukas... hehehe
Tatawag na sana akosa agency para magpabook ng ticket na may biglang sumulpot at hinablot ang cellphone ko...
"What are you doing?" sabi nong tao sa likod ko. Paano nakapasok tong babaeng to?
"May key ako ng unit mo my dear brother." Nababasa niya ang isip ko. Grrrr....
"Mikolo alam ko yang gagaqin mo. Wag mo ng ituloy.'' Nayuko na lang ako. Mind reader ba talaga tong si ate o masyado lang akong halata.
"Sila lang ang makakatulong sa atin. Tandaan mo yan!''
''Pumayag na ako di ba? Hayaan niyo naman akong makapagbakasyon kahit dalawang araw lang.''
"Hindi pwede! Bukas na tayo mamamanhikan sa kanila. Sa susunod na linggo na ang kasal niyo.'' Palabas na sana si ate ng...
"Wag kang magalala makapagbakasyon ka rin pagkatapos ng kasal niyo. Kasama mo siya. GOOD LUCK DEAR BROTHER!" at tuluyan na siyang lumabas.
----------------------------------------------------------------------------------------------------
Keep on voting and comment pa rin kung trip niyo.
Thank you!
God Bless!
-deekee

YOU ARE READING
MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)
RomanceWhat will you do if your life is almost perfect eventhough your not rich, then one day you found out that your getting married and the worst thing is your marrying your worst enemy. Will they fall in love for each other or will stay enemy forever? ...