JENNY'S POV
Excited na akong makita si Babe ko. It's our 5th monthsary. Akalain niyo yun nagbago pa ang isang Levi. Nakatingin lang ako sa regalo na ibibigay ko sa kanya. Binili namin to ni Bessy no'ng isang araw. Ano kaya ang magiging reaksyon niya pagnakita niya ang regalo ko? Hmmm... Kinikilig na ako magisa dito para na akong buwang. Nandito pala ako sa coffee bar na pinagtatrabahuan ni Karen napagusapan kasi namin na dito nalang magkita.
After 1 hour...
Lumapit sa akin yung katrabaho ni Karen.
"Ano pong order niyo?" Kanina pa to pabalik balik eh. Mabuti wala pa si Karen siguradong papapagalitan ako nun. 1 hour pa lang naman siyang late.
Tinawagan ko si Levi pero out of coverage naman. Asan na kaya yung lalaking yun?
After 3 hours...
4 hours...
5 hours...
TAMA NA! Saktong pagtayo ko dumating si Karen. Akala ko naman siya na.
"Oh bessy aalis ka na? Asan si Levi?"
"Gi alis na ako bessy may gagawin pa ako." Kinuha ko yung bag ko na nasa upuan sakto namang narinig ko yung binulong nong waiter kay Karen.
"5 hours na po yang naghihintay dito puro kape nga lang po ang inorder nyang kaibigan niyo."
Kainis sumbungero talaga. Lumabas na ako ng coffee bar at bumalik sa skul may practice pa kaming mga cheerleader.
BAHALA KA BUHAY MO LEVILO MANIEGO!
LEVI'S POV
Sana magustuhan to ni Jenny ang regalo ko. Masaya ako dahil umabot kami ng 5 months. Magkikita pala kami ngayon sa coffee bar.
Papunta na ako sa parking lot na may babae na nakaharang sa kotse ko.
"Excuse me miss pwede bang umalis ka dyan." pacool na sabi ko dun sa babae. Mukhang pamilyar siya sa akin.
"Levi honey, need you now." Anong pinagsasabi nito?
"I know you forget me but this..." Bigla niya akong hinalikan sa lips. Nagulat ako kaya bigla ko siyang naitulak.
"Aghh!" Napalakas siguro yung pagtulak ko sa kanya. Napahawak siya sa tiyan na at may dugo na dumaloy sa kanyang binti.
"MY BABY!"sigaw no'ng babae. She's pregnant? Dahil sa pagkataranta ko binuhat ko siya at pinasok sa loob ng kotse. Nagdrive ako hanggang makarating sa hospital.
-----
Sa Hospital...
"Kumusta na po siya?" tanong ko sa doctor.
"Okey naman siya. Kailangan lang niya ng dobleng ingat delikado ang pagbubuntis niya... Sige ijo mauna na ako. Pwede mo na siyang makita." Pumasok na ako sa kwarto kong nasaan yung babae. Naabotan ko siyang nakaupo at nakatingin sa bintana.
"Mukhang okey ka na. Aalis na ako magkikita pa kami ng girlfriend ko." Lalabas na sana ako ng bigla siyang magsalita.
"I need you Levi hindi alam ng parents ko na buntis ako."
"Anong pakialam ko. Sige na alis na ako." Inikot ko na yung doorknob.
"Ikaw ang ama." Bigla akong natigilan. Ngayon natatandaan ko na ang babaeng ito. Siya si Fiona, nakilala ko siya sa bar nong nagkaaway kami ni Jenny hindi ko alam na hahanting kami sa ganun. Lasing na lasing ako nong mga panahon yun. Nagising na lang ako na katabi ko na si Fiona at balot kami ng kumot.
"Levi, please don't leave me. Hindi pa ito alam ng parents ko. Baka patayin ako ng daddy ko pagnalaman niya to." umiiyak niyang sabi. Naawa ako sa kanya. Kailangan ko siyang panagutan pero paano si Jenny?
JENNY'S POV
"Kailangan ma e perfect na natin ang steps na to." sabi nong captain namin sa cheerleader.
"Jenny ikaw yung bubuhatin sa pinakatuktok ng pyramid."
"Oo po." Sanay na ako nasa tuktok kaya hindi na ako kinakabahan.
"Okey 15 minutes break muna tayo." pumunta ako dun sa isa mga bleachers kung saan nandun ang bag ko. Agad kong kinuha yung cellphone ko nagbabakasakali nagtext na siya pero wala pa rin.
"Hi!"
"Ay kalabaw!" napahawak ako sa dibdib ko.
"Okey ka lang ba?" It was Rex. Varsiety player ng University. Business student din siya pero irregular dahil busy din siya sa pagbabasketball.
"Okey lang." Ningitian ko lang siya.
"Okey! Tinanong ko lang kung okey para kasi wala sa sarili mo kanina habang nagpapractice kayo. Mukhang okey ka naman sige una na ako."ayun tumalikod na siya sa akin at umalis. Ano kayang nakain nun?
Bumalik na kami sa pagpapractice ng step at ginawa namin ang pyramid stand nasa tuktok ako na parang nanlabo ang mga mata ko and everything went black.
----------
Sa clinic...
Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Teka ba't nandito ako sa clinic? Nagpapractice kami kanina ah.
"Gising ka na pala. Anong gusto mong kainin?" Anong ginagawa ng lalaking to dito?
"Jenny gising ka na. Anong masakit sayo?" Sabi ni Claire kasamahan ko sa cheering squad na kapapasok pa lang.
"Teka, ba't ako nandito? Anong nangyari?"
"Nagpass out ka kanina nong nasa tuktok ka mabuti nga at nasalo ka nito ni Rex." sabay akbay kay Rex. Ah Oo naalala kuna. Wala pa nga akong kinain kanina puro kape lang din ang iniinom ko. Bwesit na Levi yun hindi pa talaga nagpakita.
"Ito oh kumain ka muna kahit kunti lang." sabi ni Rex sabypay abot nong sandwich.
----- Fast Forward:
Inalalayan ako ni Rex papuntang parking lot. Excuse lang muna raw ako ngayon dahil sa nangyari kanina. Nang makarating kami sa parking lot sakto naman ang pagdating ni Levi. Saan ba siya nanggaling? Hindi naman niya ako sinipot kanina sa coffee bar. Nakatitig lang siya sa amin ni Rex.
"Dito na lang ako Rex. Thank you!" sabi ko kay Rex.
"Sigurado ka ba? Ihatid na kita hanggang sa kotse niyo." sabi naman ni Rex.
"Narinig mo naman siya di ba?" cold na pagkasabi ni Levi.
"Okey. Sige Jenny ingat ka lagi baka himatayin ka na naman." Nang makaalis na si Rex bumalot sa amin ang katahimikan.
"I'm sorry!" Yun lang ang sasabihin niya? Sa tagal ng paghihintay ko dun sa coffee bar yun lang? Aba!
"HOY! LEVILO MANIEGO YAN LANG BA ANG SASABIHIN MO? PINAGHINTAY MO AKO NG LIMANG ORAS YUN LANG?" ABA! Hindi makatarungan yun!
"I'm sorry Jenny. Let's break up!" Tila natigilan ako sa sinasabi ni Levi. Hindi to totoo di ba?
"Jenny I'm sorry. Hindi talaga kita minahal." Umalis na siya. Naiwan akong nakapako sa kinatatayuan ko at nagsimulang bumagsak ang mga luha ko. Alam niyo ba ang nararamdaman ko ngayon? Sobrang sakit! parang MY HEART JUMPED OUT FROM MY CHEST, FALLING DOWN AND BREAK INTO PIECES DOWN THE FLOOR.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Short update lang po.
Pasensiya.
Keep on voting and comments po.
Thank you & God bless!
-deekee

YOU ARE READING
MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)
RomanceWhat will you do if your life is almost perfect eventhough your not rich, then one day you found out that your getting married and the worst thing is your marrying your worst enemy. Will they fall in love for each other or will stay enemy forever? ...