CHAPTER 9:

8.3K 170 9
                                        

MIKO'S POV

I'M BACK! WHO MISS ME?

Well, One week na lang at magaganap na ang dapat maganap este swimming competition at dito mismo sa Sykes University gaganapin.

Ilang weeks na din hindi ginugulo ang babaeng yun kaya ngayon may plano na ako at sigurado ako na aalis na siya dito sa University. HAHAHA *evil laugh*

Nasa harap ako ngayon ng condo ni Levi na may narinig ako mula sa loob na nag-uusap.

PAANO KO NARINIG?

Hindi naman po masyadong nakasara ang pinto. Talaga to si Levi kaya madalas nananakawan.

Tss.

"Ano ba Levi umayos ka nga, Paano mo masasagot ang tanong na yan kung lagi mong iniisip na mahirap." boses isang babae. Kailan pa nagdala ng babae dito si Levi? Kaya mas nilapit ko pa yung tenga ko sa pintuan para mas klaro ko marinig ang pag-uusap nila.

*(Kailangan ka pa naging CHISMOSO?)

Tse! Wala kang pakialam.

*(Sungit!)

Ayan nangingialam na naman si deekee. Kailangan kaya to di na susulpot?... Well back to real story. So ayon medyo narinig ko na.

"Eh talaga namang mahirap iyang mga pinapagawa mo.'' Levi

"Paano ka matututo kung hindi mo susubukan? Ang simpleng-simple lang ng pinapagawa ko sayo.'' yung babae

Ano kaya yung pinaggagawa nong babae kay Levi? Ano ba yan nagiging CHISMOSO na ako. Bago paman ipagpatuloy yung ginagawa nila mabuting magdoorbell na ako.

OO magdodoorbell ako kahit alam ko namang bukas. Ano akala niyo sa akin walang galang?

DING DONG!!!

LEVI'S POV

DING DONG!!!

Save by the doorbell!!! YEAH HEY!!!

Ang hirap naman kasi ng pinapagawa ng babae to.

"Bubuksan ko mo na baka si Manang Choleng na yan'' sabi ko sabay nakangiti siya naman nakasimangot.

"Sige!" sabi niyang habang papunta sa CR.

Dalidali akong punta sa may pintuan. Hindi pala naisarado ng mabuti ni Manang Choleng ang pinto bago lumabas.

Pagbukas ko ng pinto mukha ng Gorilla ang tumbad sa akin.

"TOL!"

"Anong ginagawa mo dito?"

Ba't nagpunta tong gorilla na to dito sa condo ko. Naku! nandito pa naman si Jenny. Baka kung anong isipin ng lalaking to.

"Hey! Hindi mo ba ako papapasukin?"

"Ah...Eh!"

"Alam kong may tinatago kang babae dito narinig ko kayo kanina."

"Huh! Hindi ganun tol!" defensive kong sabi. Alam ko kasi ang takbo ng isip ng lalaking to. Basta babae ang napag-uusapan.

MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)Where stories live. Discover now