CHAPTER 17: LEJEN <3 (1)

6.7K 145 2
                                        

JENNY'S POV

Isang linggo na ang nakalipas buhat nong kasal nina Karen at Miko.

Andito ako ngayon sa park pinapasyal ang aso kong si Raffa na bigla siyang tumakbo. Hinabol ko si Raffa na sobrang bilis ang takbo. Sa kasamaang palad nadapa ako. May agad lumapit sa akin at tinulungan akong tumayo.

"Okey ka lang?" sabi nong lalaki. Nananatili pa rin akong nakayuko at nagpagpag ng damit.

"LEVI!" OEEEMMMGGEEE! Mas lalo siyang gumagwapo.

"Ang tanda-tanda mo na nadadapa ka pa. HAHAHA" Ayy! Bwesit tong lalaking to.

"Salamat huh! Kasalanan kasi nong bato." Iniwan ko na lang siya. Nawala tuloy sa paningin ko si Raffa. Hahanapin ko na lang.

Lakad...

Lakad...

Lingon...

Lingon...

T_T huhuhu ang hapdi na ng tuhod ko. Paika-ika na ako ngayon sa paglalakad. Raffa asan ka ba nagsuot?

"Anong hinahanap mo?"

"AY GWAPO!" Ba't ba laging sumusulpot tong lalaking to parang kabuti.

"Alam ko namang gwapo ako wag mo nang ipamukha sa akin. Hehehe" Sabay hawak sa batok niya.

"Kapal oh, Hindi naman gwapo ang sinabi ko. SABI KO KWAGO!" Peste talaga tong lalaki to.

"Ano ba kasi ang hinahanap mo?" Ulit niyang sabi.

"Yung aso ko." Tipid kong sagot.

"Tulungan na kita." Tumango na lang ako.

"Arf... Arf... Arf..." Agad tumalon si Raffa kay Levi... Ba't sa kanya lumapit ang aso ko.

"Woo! Good boy! Jenny ito ba yong aso mo?" sabi niya sabay tap ng ulo ni Raffa.

"Oo." Ang cute nilang tingnan.

"AhH! Anong pangalan niya?"

"Raffa"

"Wow! Nice name!" Binuhat na niya si Raffa.

"Halika ka na ihatid ko na kayo." ihahatid daw pero ayun naglakad na habang karga-karga si Raffa. Susunod na sana ako ng maramdaman ko na naman ang hapdi sa tuhod ko. ARAY!

"Sakay na!" sabi niya sabay upo. Ano to ipipiggy back ride niya ako? eh si Raffa?

"Arf... Arf... Arf..."

"Sakay ka na raw sabi ni Raffa." nagkakaintindihan sila? HAHAHA mukha naman kasing aso tong lalaking to.

Mukhang aso pero kanina sinabihan mong gwapo. Ano ba talaga teh? Aish!

Wala na akong magawa kaya pumasan na ako. Naglakad lang kami este siya lang pala habang hila naman niya ang tali ni Raffa... Teka! Hindi to daan pauwi sa amin ah...

"Hoy! Unggoy do'n ang daan papunta amin." Saan ba ako dadalhin ng unggoy na to?

"Sinong may sabi na iuuwi kita sa inyo?" O_O Ano naman ang binabalak ng unggoy na to?

"Di ba sabi mo ihahatid mo kami."

"May sinabi ba akong sa inyo kita ihahatid?" Walang hiya to!

"IBABA MO AKO UNGGOY KA!" Pinaghahampas ko ang likod niya.

"Wag ka ngang malikot Jenny baka mahulog ka."

"DI BALI NG MAHULOG BASTA MAKAUWI AKO NG LIGTAS!"

MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt