Dawn's Point of View
"I'm wondering. It's been years. Paano ka nga pala natutong magpinta tsaka gumuhit?" Tanong ng lalaking naka-akbay sa'kin.Nandito kami ngayon sa isang art exhibit. Nasa harap kami ngayon ng isang malaking painting na ako mismo ang gumawa. Sa pinta makikita ang babae at lalaki na nasa gitna ng isang abandonadong siyudad. Magkahawak ang kamay at seryosong tinitignan ang isa't-isa.
I grinned proudly.
"That's what you call gift. It's a talent since birth." Sagot ko saka siya siniko. Natawa naman ang loko.
"Do I really look that handsome, Dawn? Ang gwapo ko masyado sa pinta mo." Natatawa niyang tanong.
Ang kapal talaga!
"We look really cool in that painting, though. That was my outfit when you first met me. Pero bakit hospital gown soot mo? At bakit ka nakapaa? Ako mukhang hot secret agent, tapos ikaw naman parang---"
Aba't!
"Parang ano, Jax? Sige, ituloy mo." Pinanlisikan ko siya ng mata.
Napataas siya ng kamay.
"Shhh. Relax. Baka magalit si baby." Pagpapakalma niya saka matamis na ngumiti at malambing na hinaplos ang tiyan ko.
Napakagat ako ng labi. Huwag kang ngingiti, Dawn. Loka ka. Galit ka kunyari, 'di ba?
"Hala. Narinig mo 'yon?!" Biglang sabi ni Jax na nanlalaki ang mata. Na-alarma tuloy agad ako saka napalingon sa paligid.
"A-alin?"
"Si baby nagsalita." What?! "Bigyan daw agad natin siya ng kapatid."
Mapaglarong ngumisi si Jacques Baltazar. Napabuga ako ng hangin.
Dammit. Akala ko naman kung ano na! Kinabahan ako! Pasalamat siya, mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya sa puntong handa ulit akong sumugal sa tadhana.
It's been ten years since everything. We both lived. Nagtataka ang magulang namin kung paano kami nagkakilala. Hindi nga pala nila alam na nasira namin ang oras. Hindi nga pala nila alam na ilang beses na kaming nagkikita sa realidad at sa lugar na 'yon.
It was awkward at first. I was nineteen when I met him after the comatose. But, we returned back to the past. Which makes me sixteen years old... again. Nagulat ang magulang ko noon nang bigla kaming nagyakapan ni Jax at naghalikan pa sa harap nila sa sobrang sabik namin sa isa't-isa. Shems. Nakakaloka talaga! Nakakahiya! Hahahaha!
'Yong lugar na 'yon, 'yung lugar na napupuntahan namin ni Jax, hindi na kami nakabalik pa doon. For some reason, a part of me will miss that place despite of its creepiness. Miss lang naman, wala na 'kong planong bumalik.
---- At heto na nga kami ni Jacques "Jax" Baltazar.
Still madly inlove with each other. Still willing to defy fate just to be together. Still willing to take risks. Still willing to catch bullets. Kidding aside, hindi na lang siya ang mahal ko. Yup. Nadagdagan na.
He's here. Inside me. Kicking like crazy. Yup. I'm pregnant. Eight months. Jacques and I married three years ago. Luckily, our baby is here now.
"Miss Baltazar?" Isang staff ng art exhibit ang lumapit sa'kin.
"Yes?"
"May bumili na po ng painting niyo. He paid it thrice the price. Congratulations, Ma'am." Nakangiting sabi nung staff.
"Wow. That's my baby." Proud na sabi ni Jax saka ako hinalikan. "Sabi ko sa'yo eh. Maganda yung painting kahit ang epic ng soot mo."
Inaasar na naman niya ko!
Sinamaan ko muna siya ng tingin bago tinignan yung babae.
"Totoo?! Pero kakalabas pa lang ng painting na 'to? Sinong bumili?" Natutuwa kong tanong.
"Huwag daw po sabihin, eh. Pero nag-iwan po siya ng note. Eto po." May inabot siyang papel.
Note?
Inabot ko 'yon saka binasa.
Everything comes with a price. I see you both received a good one. It was nice to witness your story. Live happily, Dawn and Jacques.All the love,
- D.
I will never forget this penmanship. Napalingon ako sa paligid. Doon ko nakita ang babae at lalaking nakatingin sa'min. May hawak silang makapal na libro. Masayang kumaway ang babae, yung lalaki naman ay tinanguan ako.Uhh.
Sino sila?
"Let's go." The guy said to the girl next to her.
"Omg. There's a baby in her tummy. May madadagdag sa list ko. I'm so excited!" The girl cheered.
"I'm not blind, L. Come on. Let's go. Madami pa kong kokolektahin." He groaned. Natawang nailing ang kausap niya. Masayang inangkla ng babae ang braso niya sa braso ng lalaki saka sila lumabas.
Tuluyan silang nawala sa paningin namin. Nagkatinginan na lang kami ni Jax na nahihiwagaan, saka sabay na nagkibit-balikat.
Wow. That was weird!
"Let's go celebrate, baby." Jax suddenly whispered to my ear. He used his sexy voice again. Pasimple niyang kiniliti ang bewang ko saka mapaglarong ngumisi.
Namula ako sa pinaplano niya! Buntis ako, Jax! Anoba!
"Enebe. Nekekeheye. Memeye ne~~" sagot ko matapos ulit niya kong kilitiin.
He laughed. "What?"
"Sshh. May mga bata. Behave lang, Jax. Ano ba." Bulong ko na natatawa. Para kaming ewan na nagbubulungan dito.
"But I can't behave anymore, Dawn. Tara na kasi." Atat niyang bulong.
"Hmm. Pag-iisipan ko. Lalalalala. Sige, tara na. Uwi na tayo." Sabi ko saka siya hinila na.
"Wow. Look who's excited now." Natatawang sagot ni Jacques.
Malambing niya kong inakbayan saka pasimpleng hinalikan sa noo. Para kaming ewan ni Jax na naghaharutan at nagtatawanan sa daan dahil sa aming sariling kalokohan.
I love him.I really love him so much. I will never regret catching the second bullet for him. Us taking risks for each other will never be a mistake. Fate was against us to be together before, but not anymore. We're finally together here in reality. I swear I will live this second life to the fullest together with him.
Together with my Jacques Baltazar.
---------------
Dear Diary,
Jax said he wants a basketball team. Wtf. Wish me luck.Jax's,
Dawn
✂-------------
The End.

YOU ARE READING
DAWN
Fantasy"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." 🖇 COMPLETED Date Started: October 30, 2017 Date Finished: November 11, 2017