DEAR DIARY,
Sa sobrang kakaisip ko kay Jax ay napanaginipan ko siya. Wtf! Hindi ko alam kung nasaan ako sa panaginip ko. Parang... abandoned city.
Basta ang creepy kasi ako lang mag-isa! Natataranta na ko kanina. Nagsisisigaw na ko sa panaginip ko sa sobrang panic. Tapos.. tapos.. may biglang dumating sa panaginip/bangungot ko.
He was running to my direction. He was surprised when our eyes met. He froze when he saw me.
It was Jax, diary.
May sinabi siya sa panaginip ko eh. "I was waiting for you. Where have you been, Dawn?" Iyon ang bungad niya. Yung mukha niya parang pagod na nag-aalala na natatakot.
Infairness, kilala niya ko sa panaginip ko. Lol! But seriously, ang weird ng panaginip ko na 'yon. Ang creepy. Hindi ko kakayanin 'pag nagkatotoo!
Sasabihin ko na sana kay Jax sa panaginip na gumising na siya--- kaso ginising na ko nila Twi at Luna.
Naloka sa panaginip,
DawnP.S. Kaya ko kayang mag-survive sa ganong scenario? Yung ako lang mag-isa sa buong lugar? Ugh. Feeling ko hindi.

YOU ARE READING
DAWN
Fantasy"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." 🖇 COMPLETED Date Started: October 30, 2017 Date Finished: November 11, 2017