DEAR DIARY,
Araw-araw, tuwing umaga, ginuguhit ko lahat ng nasa lugar na 'yon. Yung lugar, yung mga gusali, yung kawalan, yung itsura ng naging diary ko, yung lugar na mga pinuntahan ko, pati siya. Halos mapuno na sketchpad ko ng mukha niya. That guy. Tss. Nagtatampo parin ako sa kanya.
Ilang gabi ko siyang hindi pinuntahan. I, somehow, feel guilty. Naiisip ko kasi ang pakiramdam niya. He's trapped there. Stucked. Lonely. Alone. Iniisip kaya niya na galit ako sa kanya kaya hindi na ko bumalik? Sana hindi. Kasi hindi naman ako galit.
Nakakatampo lang talaga!
Pero bakit naman niya iisipin 'yon, di ba? Eh siya nga yung magaling na nagpapaalis sa'kin. Psh. Parang ewan talaga.
Binisita ko ulit yung katawan niyang wala paring malay sa kabilang kwarto. He's not alone here, but he's alone there. Ang labo ng nangyayari sa'min. Nakakainis.
Jax, I know you don't want me to go there anymore but for the last time, I will. Sana huwag ka magalit sa'kin. Please :(
Sad,
DawnP.S. Is this goodbye?

YOU ARE READING
DAWN
Fantasy"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." 🖇 COMPLETED Date Started: October 30, 2017 Date Finished: November 11, 2017