DEAR DIARY,
I met him. Again. Dammit. Si Jax, nakita ko ulit siya! Nagkita ulit kami! Naloloka ako. Hindi ko maintindihan ang nangyayari kanina sa panaginip ko. Paano daw ako nakaalis. Hindi ko gets. Nakaalis saan?!He said I was there before. He said I lived there before. What the fuck? And the most shocking part was when I saw a diary of mine in my dream. May mga entries ako. Yung penmanship ay sa akin mismo. It has the same format with my current diary now. Ang... ang weird! Ako ba may gawa nun? Totoo?!
I told Jax that I saw him. In real life. Sinabi ko sa kanya na tulog siya. Na wala parin siyang malay. Sinabi ko sa kanya na comatose pa rin siya. He was not shocked at all. Parang alam niya na ganun nga!
Gisingin ko daw siya. Tulungan ko daw siya. Like what the hell dude tingin mo ba magigising ko ang katawan mo sa pagyugyog o pagbasa ng tubig?! Ugh!
Malapit na mag twelve ng umaga sa panaginip ko nang pinaalis na ko ni Jax! Yes. That guy. Pinaalis niya ko! Baka daw maabutan ko sila. Sila daw na pumipigil sa kanya na magising ulit. Sila daw na gustong isama siya sa kanila.
Sinigawan niya ko kanina. Napadilat ako at nandito na ulit ako sa hospital.
Grabe.
Totoo ba 'yon?! Nanggaling ba talaga ako doon? Totoo ba ang sinasabi ni Jax? Totoo ba ang panaginip ko o baka mamaya gawa-gawa lang din yun ng isip ko? Totoong bang may napigil kay Jax para magising? Ah shit! Ang gulo!
Hindi makapaniwala,
Dawn
P.S. Naloka ako sa mga entry ko sa diary ko doon. Sinulat ko ba talaga yun? Takte nakakahiya anuba!

YOU ARE READING
DAWN
Fantasy"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." 🖇 COMPLETED Date Started: October 30, 2017 Date Finished: November 11, 2017