D021

53.2K 3.5K 1.6K
                                        

DEAR DIARY,
  
 
Nagising akong may basang bimpo sa noo at komportableng nakahiga sa aking sleep bed.

Oh

My

Gosh.

Pumunta siya ng kusa dito kagabi. Tapos tulog ako. Ay. Hindi. Hinimatay pala!

OH

MY

GOSH

TALAGA!

Nilagyan niya ko ng basang bimpo sa noo. Inihiga niya ako nang maayos sa sleeping bed. Nag-iwan siya ng gamot. Nag-iwan din siya ng note na magpagaling daw ako.

OH

MY

--- OKAY, TAMA NA!

Pero waaah! Grabe ang reaction ko kanina. Gulat na gulat ako. Hindi agad maabsorb ng brain cells ko ang nangyayari kanina. Tapos eto! Etong note niya! Napasigaw talaga ako. Ohmygawd.

Dear Dawn,

Sorry if I invaded your notes.
 
 
Sinong hindi magugulat sa bungad niya?! Dear Dawn. Ugh! Shit lang. Alam na niya ang pangalan ko. Binasa niya kaya ang lahat ng entry sa diary? Hala. Nakakahiya! HAHAHA! Parang tanga pa naman pinagsusulat ko dito!

Nanlalaki talaga mata ko habang binabasa note ni Jax. Oha! Alam ko na din pangalan ni kuya pogi. Wait. Shems. Nabasa niya rin kaya yung entry ko nung natagpuan ko siyang walang malay?

Hala putek. Binasa ko ulit yung entry! Jusme. Ano ba yung pinagsusulat ko? Grabe. Nakakahiya sa kanya! Ang pagkakadescribe ko-- ohmygosh. Bakit niya kasi pinakielaman to huhuhu.

Tapos sinagutan pa niya yung P.S. sa entry ko na yun!!
 
 
P.S. Kuya, bakit ang gwapo mo po?
 
 
Hindi ko din alam. Matagal ko na ding pino-problema ang tanong na 'yan.

- J.
    
 
Sinong hindi mapapasigaw bigla sa sagot niya, di ba?! Jusme. Hindi man lang nagpa-humble kunyari. Confident na confident ang kuya mo!

Pero waaaah, nakakahiya talaga. Baka kung ano ano iniisip na ng lalaking yon sa akin! Ang dignidad ko. Grabe talaga!

Brb. I'm hungry.
 
 
Tomato red,
Dawn
 
 
P.S. I'm feeling better now. Bumaba na kahit papaano lagnat ko. Thanks, Jax. :)

(Feeling close agad ako lol)

  
 

DAWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon