D043

46.5K 2.7K 88
                                        

DEAR DIARY,
  
 
Natataranta ako. Nanginginig ngayon ang kamay ko. Si Jax! Nag-aagaw buhay siya kanina!

Shit. That moron! Hindi siya pwedeng sumama sa kanila ng ganon-ganon lang. Nasisiraan na ba siya?! Totoohanin ba niya ang sinasabi niya na doon nalang siya? Argh!

Halos sigawan ko ang katawan niya kanina habang pilit akong pinapalabas ng doctor. Halos itulak na nila ko. Pero nagsisigaw lang ako kay Jax kahit hindi niya ko naririnig. Mukhang gumana naman dahil naging normal na ulit ang tibok ng puso niya. Doon lang ako nakahinga nang maluwag.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. I want to save him--- but how?!
 
   
Frustrated,
Dawn
 
 
P.S. I swear kapag nagising na siya pepektusan ko siya nang malakas. Naiinis ako sa kanya. Argh.
 

DAWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon