D071

51.9K 2.9K 2.2K
                                        

Dawn's Point of View
 
 
Mabilis akong napadilat.

Unti-unti kong inalala lahat ng nangyari.

Abandoned world, the diary, the entries, the lost souls, the sketches, the unknown invader of my diary, the tempting offer, my answer, and that guy.

Jacques Baltazar.

Napatakip ako ng bibig nang unti-unti kong naiintindihan ang nangyayari na ngayon. Bumagsak ang luha ko nang mapagtanto kung nasaan ako ngayon.

Malakas ang ulan sa labas. Mabilis na umaandar ang sinasakyan kong bus. Naka-uniform ako, tahimik na naka-upo malapit sa bintana. Itong-ito ang eksena noong gabing 'yon. Noong gabing nangyari ang aksidente...

What my sixteen year old self wants that night was just to get home, hug her parents, play with her siblings, eat dinner, and surf the net all night.

My sixteen year old self never expected everything that happened after school. She never expected that it was her dead end, that it was supposed to be her last ride.

Napahagulgol ako nang wala sa oras. Mabilis na napatingin sa'kin ang mga taong nasa bus. I can still recognize some of their faces. Most of them... died. Kabado kong tinignan ang mga lalaking naka-itim sa bandang unahan. Nasa anim silang lahat. It was them. They have guns inside their bags. They will hijack the bus after the next stop.

Nanlaki ang mata ko.

Shit.

Nasaan si Jax?!

He was here, right?! Napatayo ako bigla--- pero bigla ding napaupo dahil sa pagtigil ng bus. We are near the waiting shed. May mga bagong pasahero.

And fuck it, this is the stop I'm talking about.

Mabilis ang tibok ng puso ko habang pinapanood ang mga pasaherong nag-aakyatan. Nanginginig ako sa kaba. Pinagpapawisan ako kahit malamig.

Halos tumigil ang tibok ng puso ko nang makita ko ang lalaking kakaakyat palang at medyo basa pa ng ulan ang suot na uniporme. Palingon-lingon siya habang naglalakad papasok, naghahanap ng upuan. Rinig ko ang impit na tili ng mga babaeng nadaanan niya. Sila kilig na kilig, ako iyak na iyak.

Jacques Baltazar.

Jax.

The guy who took the second bullet for me.

The guy who got lost because of me.

Gusto kong tumayo at dambahin siya ng yakap. Gusto kong pektusan siya kasi masyado siyang mabait. Gusto ko siyang maging kaibigan. Gusto ko ulit siyang titigan. Gusto ko siyang makausap na ng personal. Gusto ko siyang nakawan ulit ng halik.

Ang dami kong gustong gawin... pero naduwag ako. Hindi na pwede.

Are you willing to end things right that night?

Napalunok ako. I must end things right. I don't know how, but I should.

And I will.

Hindi ko na pinansin ang pag-upo ni Jax sa tabi ko. Hindi ko na pinansin ang sandaling pagtitig niya sa mukha ko. Hindi ko na pinansin ang pasimple niyang pagtikhim sa tabi ko.

Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si mama. Pagkasagot na pagkasagot niya ay mabilis akong nagsalita.

"Mama, may masasamang loob na sumakay sa bus namin. They hijacked the bus. Papatayin nila kami. Ma, tumawag ka ng pulis at ng ambulansya. Please." Halos pabulong kong sabi, nanginginig at naiiyak na 'ko. Hindi pwedeng masira ang plano ko.

DAWNWhere stories live. Discover now