D025

49.7K 2.9K 412
                                        

DEAR DIARY,
    
   
Si Jax.

Nakita ko.

Kaso nasa malayo!

May dala-dala na naman siyang baril. Tinawag ko siya nang malakas kanina. Lumingon siya sa'kin tapos parang nagulat na ewan. Tapos grabe. For the first time! Narinig ko na ang boses niya! Ugh!

Akmang lalapit na kasi ako sa kanya kanina. Sobrang layo kasi niya. Siguro nasa sixty meters ang agwat naming dalawa. Patakbo na ko papunta sa kanya nung bigla siyang sumigaw ng

"Bakit nandito ka pa sa labas?!"

Ganyan! Sinigaw niya yan! Grabe. Galit siya nung isinigaw niya yan. Natigilan tuloy ako kanina sa pagpunta sa kanya. Nakakatakot kasi galit siya tapos may baril. Eh takot talaga ako sa baril.

Pero siyempre, naglakas loob na ako! That was my chance. Sumagot ako kay Jax ohmygosh. Ang kapal ko. Sinigaw ko na ang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya..

"Isama mo nalang ako sa'yo!"

--- Desperada na ang pagkakasigaw ko nung oras na yon. Eksena ko talaga kanina. Grabe. Ang layo ng sagot ko sa tanong niya.

Isang inis na pag-iling ang isinukli niya sa'kin saka mabilis na tumakbo paalis. Hinabol ko siya kahit naiiyak na talaga ako kanina. Pero mabilis parin siyang tumakbo. Iniwan niya talaga ako. Iniwan niya ko ulit mag-isa dito at naguguluhan.

Wala lang. Share ko lang. Nakakalungkot lang kasi talaga. Yung eksenang kaming dalawa na nga lang tao na nandito tapos ayaw pa niya ko samahan. Galit ba siya sa'kin? Naiinis? Nandidiri?

Hay. Nakakalungkot.

Nasa loob ako ng kotse ngayon na natagpuan ko lang kanina habang malungkot na naglalakad. Dito na lang ako matutulog at magpapalipas ng gabi. Good night na. Magmumukmok pa 'ko. :(

Sad,
Dawn

P.S. Hindi ko na alam gagawin ko.

DAWNWhere stories live. Discover now