DEAR DIARY,
Bakit hindi padin siya nagising?Nate-tempt ako buhusan yung lalaki ng tubig na malamig. Pero huwag nalang. Baka kung ano pa gawin niya sa'kin sa galit kapag nagising siya. Ugh! Hindi ko tuloy siya matanong man lang o makausap.
Nagpa-ikot ikot ako sa abandoned city habang tulak tulak ko ang lalaking masarap ang tulog sa cart, medyo nahilik pa. Naghahanap kasi ako kanina ng pinakahuling diyaryo.
--- Pero wala akong makita.
Yung totoo? Ano ba talaga nangyari? Nasaan ang mga tao? Bakit nawawala sila? Ang creepy na kasi talaga! Parang bigla silang naglaho na ewan.
Nasaan kaya ang mga pamilya ko? Nasa mabuti ba silang kalagayan? Tsaka, hinahanap din kaya nila ko gaya ng ginagawa ko ngayon sa kanila?
Hay.
Wait! Parang gumalaw yung lalaki. Check ko lang.
Gusto ng makakausap,
Dawn
P.S. Bakit kaya mag-isa din ang lalaking 'to? 'Di kaya... siya yung dahilan ng pagkawala ng lahat?
P.P.S. Baka killer 'to O_O

KAMU SEDANG MEMBACA
DAWN
Fantasi"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." 🖇 COMPLETED Date Started: October 30, 2017 Date Finished: November 11, 2017