D015

56.9K 3.5K 1.1K
                                    

DEAR DIARY
 
 
Uhh.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang entry na 'to. Medyo shock padin kasi ako sa nangyari. As in lutang parin ako habang nakatingin sa tinitignan ko ngayon.
  
So ganito kasi, naglalakad ako kanina. Alerto na alerto ako sa nilalakaran. Palingon lingon pa ako sa paligid.

Tapos... Nadaanan ko ang madaming gamit na bala ng baril! Iyon ata ang mga nagamit nung lalaki. Sobrang dami talaga! Nasa ilang daan ata ang nasa semento kanina. Kinabahan ako, siyempre!

Sa 'di malamang dahilan ay sinundan ko ang bala. Nakailang kanto ako ng nilakaran. Tapos... Tapos... May nakita ako.

Sa hindi kalayuan.

Sa gitna ng kalsada.

Nakahiga.

Wtf. It was him!

Hindi ko alam kanina kung walang malay o patay na yung lalaki! Hindi ako pwedeng magkamali. Black mask. Big, black gun. Black cap. Siya yung lalaking natanaw ko kahapon.

Nag-alangan ako lumapit. Baka nagpapanggap lang siyang tulog. Maybe... maybe it was a trap! Kaya ang ginawa ko? Binato ko ng napulot kong bato ang katawan niya!

Parang ewan, 'di ba?!

Hindi siya gumalaw nung binato ko. Hindi ako satisfied kaya inulit ko. Dalawang beses! Hindi parin siya dumaing, gumalaw, o nagreklamo man lang.

--- Edi push!

Lumapit ako sa katawan niya kanina. His tall frame was lying unconsciously under me. Ang tangkad niya, swear. His body resembles a hot model. Seryoso. Hindi sa pagiging manyak o ano pero iyon talaga ang napansin ko. Bakat na bakat ang toned chest niya kanina habang nakahiga. Pati ang maputi niyang balat na parang porcelain ay halos kumintab dahil sa sikat ng araw.

His chest was rising up and down. He's alive! I immediately inspected his body and searched for wounds. I found none. Hmm. Bakit kaya siya nawalan ng malay? Pagod? Puyat? Gutom? I have no idea!

Natakot ako kanina nang makita ko ang baril niya. That cold, black, dangerous gun. Oh boy. Kinuha ko iyon at itinago pansamantala. Baka mamaya kasi ay gamitin niya pa iyon bigla sa'kin kapag nakita niya!

Natataranta talaga ako kanina. Bakit kaya siya nawalan ng malay?

Napatingin ako sa mukha niya nung time na yon. Hindi ko makita ang itsura niya kanina dahil sa soot niyang half mask at cap. Kaya ang ginawa ko?

Tinanggal ko.

--- At iyon na ata ang pinaka-magandang desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko.

Lol. Joke lang.

Pero grabe kasi!

Napamura talaga ako kanina nang wala sa oras. Yung lalaki, shems, ang gwapo pala!

Pero natatakot padin ako sa kanya. Bakit kasi siya may baril?!! Ano ba 'to? Sundalo? Pulis? Terorista?

Pero, atleast hindi na ako mag-isa. Hindi nga ako mag-isa pero may delikado naman akong kasama at lalaki pa.

--- Napagpasyahan kong isama yung lalaki sa'kin!

Pumasok ako sa isang grocery store kanina at kumuha ng push cart. Kumuha din ako ng lubid. Itinali ko ang kamay at paa ni kuya. Sinigurado kong mahigpit! Pahirapan ang paglagay sa wala niyang malay na katawan sa push cart. Ang bigat niya kaya. After ng ilang oras ay nalagay ko siya.

Yun nga ang nangyari. Ilang oras ko siyang itinutulak habang wala siyang malay na nakahiga sa push cart. Para siyang gwapong sanggol na ewan kanina.

Nandito kami sa park. Wala parin siyang malay hanggang ngayon. Nakahiga parin siya sa push cart at nakatali padin. Siguradong masakit katawan niya pag-gising. Ang pangit kasi ng pwesto niya.

Hayyy. Anong oras kaya siya gigising? Ang saya ko kahit papaano. Hindi na 'ko mag-isa! Finally!
  
 
Loner no more,
Dawn
 
 
P.S. Kuya, bakit ang gwapo mo po?

DAWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon