D004

61.9K 3.7K 972
                                        

DEAR DIARY,
  
 
Nandito na ako sa loob ng hypermarket! May kuryente din dito sa loob. Pahirapan hanapin ang switch ng kuryente ng store kanina. Nakailang oras ako bago mabuksan ang mga ilaw.

Nandito ako ngayon sa isang bed na nakadisplay sa furniture's area. I chose the most comfortable, of course. Tapos kumuha ulit ako ng pagkain at dinala ko dito. Ginamit ko yung microwave na binebenta dito sa hypermarket para initin yung ready-to-eat na canned good. Sa kape naman ay hiniram ko ang coffee maker din ng store.

Siguro 'pag bumalik na ang mga tao ay maiintindihan naman nila ako, 'di ba? Wala akong makakain. Babayaran ko naman ang mga ito balang araw.

Oo nga pala. Bukas ng umaga ay iba naman ang hihiramin ko.

Mas mahal.

Ano?

Kotse.

Wahahaha! Should I pick the most high class and most expensive?

But... does it even matter?

I must travel and check the other cities. Baka kasi dito lang sa lugar na ito ang may problema. Tapos sa iba ay wala na. Kaso may problema ako. Sa totoo kasi niyan, hindi ako marunong mag drive.

Tsk. Bahala na! Magbabasa nalang ako ng tutorials.

Nakakatakot dito sa hypermarket. Sobrang tahimik. Ako lang mag-isa. Ang creepy talaga. Tapos kanina pa ay may biglang bumagsak na food rack kahit walang nagalaw, tila nadanggi.

Pakiramdam ko talaga ay may taong nasunod sa'kin. Baka nga hindi ako namamalikmata. Baka nga may lalaki talaga akong nakita kanina.

Tsk. Katakot. Paano ako makakatulog nang ayos nito?
 
 
The Scaredy Cat,
Dawn
 
 
P.S. Speaking of cat, I saw one earlier! Tinawag ko din pero ayaw lumapit sa'kin. Natakot ata. Agh. Miming.

DAWNWhere stories live. Discover now