D013

54.8K 3.2K 145
                                        

DEAR DIARY,
  

Dahil sa panic kanina ay hindi muna ako nakapagsulat sa'yo, diary. Well 10pm na ngayon. Nandito ako sa loob ng isang bahay na pinasok ko nang walang paalam.

I mean, kanino ako magpapaalam? 'Di ba?

So yun nga. Hindi ako nagbubukas ng ilaw kasi baka makita ako nung may baril. Tanging flashlight lang gamit ko ngayon habang nagsusulat. Hanggang ngayon ay nanginginig padin ang kamay ko sa takot.

Grabe. May baril. May dugo. Ugh! Ang dalawa sa pinaka-kinakatakutan ko! Hindi ko kaya!

Sobrang dilim sa labas at sobrang creepy. Hindi ko alam kung paano nakakaya ng lalaking yon na mabuhay sa lugar na 'to. Ako nga eh ngayon pa lang nagsisimula, suko na agad. Jusme.

Nasaan kaya ang lalaking yun ngayon?
  
 
Madaming phobia,
Dawn
 
 
P.S. Nakakapagod na araw. Naka ilang kilometro ako. Payat na nga ako tapos papayat pa lalo. I need rest. Good night.

DAWNWhere stories live. Discover now