D068

47.2K 2.6K 792
                                        

DEAR DIARY,

Hindi ko alam ang mangyayari. Hindi ko alam ang magiging kapalit. Hindi ko alam kung tama. Hindi ko narin alam kung ano ang mali.

Nagtataka ang mga magulang ko kanina kung bakit ko sila niyakap. Pati ang mga kapatid ko. Bakit daw para akong nagpapaalam? Hindi ko din alam. Sa totoo lang, mula nang magising ako sa panaginip at realidad ay hindi ko na masundan ang nangyayari sa'kin.

Bakit ba nagkakaganito? Bakit ba biglang naging dalawa ang mundong ginagalawan ko? Bakit kami lang ni Jax? Bakit sa'min pa nangyayari ito?

Hindi ko makalimutan ang pangalawang note na sumulpot na lang bigla sa diary ko kagabi:

You are the lost soul, Dawn. You were meant to die three years ago. He took the bullet that was supposed to kill you. This shouldn't be his fate, but yours. He isn't who I must collect, but you. You are the lost soul who can't depart peacefully. Your name was already written on my book three years ago.

Lucky you, fate decided to give the two of you, who ruined the pattern, a second chance. Are you willing to change your fate the second time around? Are you willing to make things right? Are you willing to end that night right?

- D.

Ang hirap tanggapin na wala na pala talaga ako dapat ngayon. Ang hirap tanggapin ng realidad na ako lang pala talaga dapat ang nagdudusa at nadamay pa siya. Pero bakit ba kasi sinalo pa ni Jax ang bala na para pala sa'kin? Why is he always saving me? Bakit ba ang bait-bait niya? Bakit... bakit sa ganitong paraan pa kami nagkakilala?

Hindi ko alam ang gagawin ko.

--- Pero susubukan ko.

Ibabalik kita dito, Jax. Hintayin mo 'ko. Gagawa at gagawa ako ng paraan. Ang malas na'tin. Mukhang ayaw sa'tin ng tadhana. Ayaw nila tayong magtagpo sa realidad man o sa mundong iyon na solo nating dalawa. Ayos lang. Kapag naayos ko ang lahat, kapag naibalik na kita, masaya na 'ko. Sana nakilala pa natin ang isa't-isa. Pero mukhang hindi na 'yon mangyayari. Sayang.

Pasensya na nga pala kung nagnakaw ako sa'yo ng halik kanina.

Huli naman na iyon! Pero sana hindi. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana magkita pa tayo uli. Sana maibalik na kita. Sana makausap na kita ng totohanan. Sana hindi na lang puro liham. Sana maayos na ang lahat.

Sana.

Sana...

- Dawn

DAWNWhere stories live. Discover now