DEAR DIARY,
Anong nangyari?Nasaan na silang lahat?! Bakit ako nalang ang nandito?! Bakit walang tao sa buong siyudad?! Inabduct ba sila ng aliens?! Kinain ba sila ng zombies?! Nagkatotoo ba ang Train to Busan? O yung The Walking Dead? Sumugod na ba ang mga UFO? WTF! Nasaan silang lahat?!
Prank ba 'to? Kasi kung prank 'to, well grabe sa effort ha! Pinalipat lahat ng tao sa ibang lugar. Wow! Hanep! Wala naman silang mapapala kung ako ang pagtitripan nila. Argh!
Seriously, natataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Hindi ko alam kung nababaliw ba ako o namatay na ko at nasa kung saan man ako ngayon. Eto ba yung langit? Impyerno? Purgatoryo? Argh. Hindi ko alam!
Ang alam ko lang ay mag-isa ako ngayon sa buong lugar. Kung saan-saan ako napadpad ng paa ko kanina. Nasa tatlong oras akong naghanap ng tao kahit nanghihina pa ako. Nakasuot pa ko ng hospital gown at nakapaa habang iniikot ang buong lugar.
Kaso wala talagang sumalubong man sa'kin. Wala ni isang anino ang nagpakita sa'kin. Nagtangka akong pumasok ng mga bahay kanina, pero wala talaga.
BAKIT SILA NAWAWALA?
SAAN SILA NAPUNTA?!
Naiiyak ako. Nasaan ang mga magulang ko? Nasaan ang mga kapatid ko? Nasaan silang lahat?!! Bakit... Bakit nila ko iniwan?
Ayokong mabaliw dahil wala akong kausap. Kaya sorry kung ikaw, makapal na notebook na ninakaw ko sa book store, ang napagdiskitahan ko. Tutal ay mahilig naman ako magsulat ay dito ko nalang ibubuhos ang lahat.
I need a diary. I need to tell everything. By the way, before everything, magpapakilala nga pala muna ako.
My name is Dawn.
I don't know how old I am.
I don't know why I'm here.
I don't why am I still alive.
I don't know why I'm alone.Naguguluhan ako?
Ano ba nangyari?!
The loner,
DawnP.S. Wala akong pera. Nagugutom na 'ko. Okay lang bang kumuha ako ng pagkain sa 7-Eleven?

ESTÁS LEYENDO
DAWN
Fantasía"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." 🖇 COMPLETED Date Started: October 30, 2017 Date Finished: November 11, 2017