CHAPTER 14

44 0 0
                                        

Isa lang ang gusto kong mangyari pagktapos ng paguusap namin ni lola. Ang sya ay mapapayag kong sumama sa amin pauwi at makita ni lolo. Ang mayakap nya sina tita at tatay.

Pero kahit ayokong matapos ang ika-apat na araw. Kahit na ayokong mabura sa akin ang magandang alaala ng hiwaga ng tirahan ni lola. Ang makukulay na alitaptap. Ang makalumang bahay na kung pwede lang ay makuhanan ko ng litrato. Higit sa lahat ang pakiramdam ng makausap sya habang napagmamasdan ang matatamis nyang mga ngiti. Mahiwaga. Isang Diwata. Kailangan kong magising. Magising sa katotohanan.

Ang katotohanan.

--

IKA-LIMANG ARAW

Halos ilang beses na pala akong tinatapik at kala ni Babe ay patay na daw ako. Patay na humihinga. Patay na nakahiga sa sira sirang papag at magulong kubo.

"Gising! gising!.. gumising kana please.." unti unti kong naririnig na pagbulong ni Babe sa akin.

Masakit ang unti unti kong pagmulat ng aking mga mata. Tinatamaan ng sikat ng araw. Una kong nakita ang mata ni Babe na unti unti ng napupuno ng luha. Pero nakita ko syang unti unting ngumiti ng nakita nyang nakamulat ng ang mga mata ko.

"Kailangan na nating umalis." ang sabi nya sa akin.

Ang pangalawang nakita ko ay ang sugat nyang may tapal parin ng dahon. Naupo ako at hinawakan ang binti nya.

Ngumiti ulit sya, "Naniniwala na ako." ang sabi nya ulit.

"Nakita ko sya, ang lola mo. Ginamot nya ang sugat ko." ang dagdag nya.

At pagkasabi nya ay bigla ko syang niyakap. Niyakap ng mahigpit. Dahil gusto kong malaman na totoo na ang aking nakikita at nararamdaman. Niyakap ko sya sabay ng aking pagiyak. Na sana mas maraming panahon na nakausap ko si lola.

Sa aking paglingon sa paligid ay wala na ang magic. Parang ilang beses na dinaanan ng bagyo ang bahay na nasaksihan ko kagabi. Sira sirang bintana at mga kagamitan. Wala na nga halos mga gamit ang loob. Pati ang bubong ay wasak na din. Parang ilang taon ng walang nakatira dito. Parang isang artifact na nabasag.

"Nakita ko rin sya. At nakausap." ang nasabi ko sa kanya.

Sa aking pagtayo ay inakay ko si Babe at inabot nya sakin ang box ng sulat at ang mga gamit namin. Bago kami tuluyang umalis ng bahay at dumaan muli kami sa terrace. Nasa likod parin ng utak ko ang alaala na bahay at si lola. Pagdating namin sa terrace ay natanaw parin namin ang matataas na puno. Kinuhanan ko ng litrato. Pero maging ang tomba tomba at ang dalawang tasa ay nadun parin sa mesa. Katulad ng bahay, ito ay parang artifact na din. Nangingitim at parang nabubulok na.

Paano kami nakaalis sa bahay na iyon? Paano kung andun parin ang mga asong lobo? Paano kami makakabalik sa bahay na inuupahan namin? Natandaan mo ba ang babaeng nagbabantay ng bahay ng inupahan namin? Matalino ka kaya alam kong alam mo na ang mangyayari.

Simple lang naman. Pagkalabas namin ng lumang bahay ay naglakad kami pababa ng ilog at nakita namin ang babae.

"Hindi ako pwedeng makialam sa kung anong nakatakdang mangyari kaya hindi ko kayo sinamahan marating dito." pangiting pagpapaalala nya samin ng makita namin sya.

"Pero sa pagbalik nyo siguro sa bahay, ay maari na kong makialam."

Sabay tawa nya at abot sa kamay ni Babe para tulungan narin sa paglalakad. Tumawa narin kaming dalawa at nagtinginan sa isat isa.

Pero sino sya? Nahulaan mo na ba?

ANG MAHIWAGAWhere stories live. Discover now