CHAPTER 8

121 13 0
                                        

Ilang linggo na simula ng naospital si lolo. Ilang linggo na simula ng nagkalabuan kami. Ilang linggo na pinagiisipan kong harapin ang dapat mangyari. Hinalungkat ko ulit ang box ni lolo para makahanap ng ideya kung malalaman ko ba kung saan ko makikita yung lugar kung saan nya nakikilala ang mahiwagang babaing yun. Ang diwata.

"Pano po ba ko makakapunta dun? Saka makikita ko pa po ba sya?”

“Wala namang masama kung subukan mo.. Naghihintay parin sya malakas ang pakiramdam ko..”

“Ibig sabihin ay buhay pa sya? Pero makikilala nya ako?”

“Sabihin mo lang ang pangalan ko, ang pangalan mo at pakita mo yang sulat na yan at siguradong manunumbalik ang lahat sa kanya”

Yan ang naalala ko na pinagusapan namin ni lolo dati. Buhay pa nga sya. Ang asawa ni lolo ay ang diwata at siya ang lola ko. Pero nasan sya? bakit hindi namin sya kasama at hindi ko manlang sya nakita?

---------------------------------

"Tita, saan nga ba ulit nadistino si lolo nung sya lang yung nakauwi magisa?" tanong ko kay tita habang nagaalmusal kami.

"Ang alam ko may certificate sya bilang pinakamagaling na sundalo noong 1973 at na sya lang ang nakasurvive. Sa Capiz." pagkakakwento nya habang tinitikman ang kape nya.

"Sa tingin mo, astig mag bakasyon dun?" biro ko kay tita.

"Aba syempre! hindi pa ko nakakapunta dun pero maganda daw dun. Mabundok. Teka sasama mo ba ko?" dagdag na biro naman nya sakin.

"Di bali na nga lang..." Sabay tawanan namin dalawa.

************************

Pagkatapos din ng almusal na yun. Nagpunta na ako sa kwarto ko at kinuha ang laptop ko at sinearch ang lugar na yun. Pictures. Astig na mga tanawin. Pero creepy. GPS. Medyo malayo ito samin. Ilang sakay at isang barko. Fare. Kasya sa dalawa ang buget ko kung pupunta man ako. Bahala na.

Kinuha ko ang isa sa pinakamalaki kong bag at inayos ko na ang mga gamit ko para sa ilang araw na paghahanap ng katotoohan. Determinado na ako. Ilang damit, libro at syempre ang box ng sulat. 

"Tita! satingin ko mag impake ka nadin.... Kung gusto mo lang naman totohanin ang ang biro ko at pagsama sa akin?" patuwang balita ko sa kanya.

Nginitian nya ako at nagmadali na rin ayusin ang mga gamit nya. Pero  hindi ko padin kinalimutang sabihin ito kay babe.

Typinggggggggg

"Alam kong ayaw mong makausap ako ngayon. Pero sana paniwalaan mo ako na hindi ako weird. Mahal kita pero masakit na sinabi mo sakin yun. Gusto kong patunyan sayo na totoo ang lahat ng yun. Gusto kong sumama ka sakin bukas, para sa huling pagkakataon."

Sent 9:38 am

Nasend ko na din sa email nya lahat tungkol sa pupuntahan namin. Bukas ng madaling araw ang alis namin kung sakaling gusto nya talagang sumama. At kung sakaling gusto nya talagang maniwala. Maniwala sa walang kasiguraduhan...

ANG MAHIWAGAWhere stories live. Discover now