Sa ospital na kami natulog ni tita kasama si lolo at si tatay. Para doon narin matulog at magpaalam sa pupuntahan namin bukas. Dalawa lang silang magkapatid. At mahal na mahal sila ni lolo. Maging si lola, sa pagkakakwento ni lolo.
"Lolo, isasama namin si lola pagbalik namin dito kung sakaling makita namin sya.." sabi ko sa kanya pamapalubag loob.
"Alam kong darating ang araw na may maghahanap din sa kanya. At ikaw yun apo." paiyak na sabi nya sa akin.
"Sa tingin nyo sa ilang taong wala sya sa tabi namin ni kuya habang lumalaki ay hindi namin sya hinanap? Hindi kami nagtataka kung bakit wala kaming nanay?" iyak na sumbat ni tita.
"Pero kailangan nyang gawin yun!" pakalmang sagot ni lolo.
"Kase nga maligno sya? hindi sya tao? ano diwata?!" galit sa sabi ni tatay.
"Tita, tatay...matanda na si lolo. Hindi na natin kailangan ibalik ang nakaraan isipin natin ang kasalukuyan.... Paano kung sa ngayon ay makita na natin si lola?" ang pa utal-utal na nasabi ko.
Sabay akap ko kay lolo. Naluha sya. Pero niyakap nadin sya ni tita at tatay. At ang simpleng yakap ay katumbas ng kapatawaran. Paguunawaan. Pagmamahalan ng isang pamilya.
-------------------------------
Tulog parin si lolo at si tatay nang iniwan namin sila ni tita. Hinilkan ko si lolo sa noo at tinapik sa likod si tatay bago kami umalis. Nginitian ako ni tita hudyat na dapat umalis na kami. Ilang araw kaming mawawala pero okay lang yun dahil sembreak naman namin. At sana okay lang din kay babe na sumama sya. Sana.
Ilang sakay din ang ginawa namin ni tita. At ilang oras din ang biyahe namin bago makarating sa huling sakayan namin na barko. Naupo muna kami para magpahinga dahil maaga naman kami nakarating. Nagalmusal muna din kami. Pagkatapos ay bumili na kami ng ticket. Nasakin ang budget namin para sa gastusin namin kaya ako na ang pumila sa pagbili ng ticket.
Ilang ticket ang bibilhin ko? Darating kaya sya? Maniniwala kaya sya?
"Sir, ilang ticket po?" tanong ng teller.
"Dalawa lang."
Wala na. Hindi na sya pupunta. Ilang minuto nalang at aalis na ang barko. Natanaw ko si tita at pagod na pagod din sya sa biyahe at inabot ko sa kanya ang ticket namin. Naupo ulit ako at nagpahinga habang nagaantay ng pagtawag samin para sumakay ng barko.
"Mam at Sir, pumila na po tayo aalis na tayo within 20 minutes." paliwanag ng crew ng barko.
Tumayo na kami ni tita at pumila na. Unti-unti ng umuusad ang pila at halos lahat ay nakasakay na sa barko.
"Hindi na talaga sya pupunta?" pangiting tanong ni tita.
"Sino?" gulat na tanong ko.
"Yung babe mo, alam ko kahit di mo sabihin. Kanina kapa tingin ng tingin sa paligid na parang may hinahanap...." biro nya.
"Ganun na nga siguro... Kaya dalawang ticket lang ang binili ko." mahinang sagot ko sa kanya.
Konti nalang kaming nakapila at halos lahat ay nakasakay na. Heto na aalis na kami. Kabado. Sana mangyari lahat ng plano at iniisip kong mangyari.
"Teka! Teka! Pwede pa ba akong humabol?" narinig ko sa malayo si Babe.
"Dito! andito kami!" kinawayan namin sya para makahabol.
Paglapit nya saakin ay niyakap nya agad ako at nagsorry sya. Parang movie na imbis na intindihin ang pag alis ng barko ay mas inuna pa ang pagpapaliwanagan. Parang movie, pero maniwala kang nangyayari sa buhay.
"Basta mag-ingat kayong dalawa at tawagan mo ako kung nakarating na kayo?" ang tanging sinabi ni tita.
Nginitian nya lang ulit ako at inabot nya ang ticket nya kay Babe. Hudyat ng pagpapaubaya na hindi na sya sasama.
"Salamat tita, ayokong mangako pero mas magandang maniwala ka na may mangyayaring maganda pagbalik namin..." ang tanging nasabi ko sa kabaitan nya.
At ng paalis na ang barko ay kinawayan muli namin si tita habang papalayo. At hinalikan naman ako ni Babe. Halik ng pagunawa at pagmamahal.
Sana...Sana...Sana..mangyari lahat ng plano at iniisip kong mangyari.

YOU ARE READING
ANG MAHIWAGA
AdventureKwento ng isang mahiwaga... Mga sulat... Mga sulat ng nakaraan... Nakaraan na walang katiyakan... Masarap balikan ang nakaraan lalo na kung puno ng kasiyahan... Pero kung ito ay isang kababalaghan, maniniwala at babalikan mo pa ba? (Para ito sayo ma...