Bukod sa paghahanap ko kay lola. Ano ng kayang nangyari kay tita? kay tatay at kay lolo? Wala akong balita sa kalagayan nila pero gusto kong ako ang may mabuting maibalita sa kanila. Dahil sa ikatatlong araw namin dito sa probinsya ay natuloy na kami sa kung saan talaga namin makikita si lola. Habang nasa huling byahe ng pagpunta sa kampo ay nagbasa muli ako ng sulat sa box.
February 1979
"Tatay" yan na ang nasasabi ng anak nating lalaki. Marami na syang alam bigkasin maging ang salitang "bunso" sa anak nating babae. Huwag mo ng isiping kamuka mo sya dahil unang pagiyak palang nya ay nakita ko ang maamong muka nya na kamukang kamuka ko.
Ilang buwan ka pa bang magtatrabaho dyan? Ilang araw pa kaming maghihintay ng mga anak natin? Ilang minuto akong malulungkot? Gusto ko nasa mabuting kalagayan ka.
P.S. Alam kong isang linggo nalang at babalik kana. Hindi kami makapaghintay.
Ramdam ang bugso ng pananabik ni lola sa nabasa kong sulat na yan. Pananabik makita ang taong matagal na nawalay sa kanya tulad ng pagkawalay namin sa kanya. Pananabik na hindi na kami makapaghintay din.
----------
IKA-TATLONG ARAW.
Madilim ang kalangitan at sa tingin ko ay bubuhos nanaman ang malakas na ulan. Pagkababa namin ng sasakyan, nalalala ko ang paalala samin ng babaeng taga bantay ng bahay na ilang minuto padaw ang layo ng lumang kampo sa bababaan ng sinakyan namin. At ang isang sinabi pa nya ay magtanong lang daw kami kung saan ang pinaka malapit na ilog at kung paano makakapunta. At siguradong makikita na namin kung nasaan ang kampo. At sa konting minutong pagtatanong namin sa mga tao ay nagmdali na kaming maglakad papunta sa ilog.
Makakapunta kaya kami sa ilog at makikita namin ang kampo kung saan nakatira si lola? Alam kong matalino ka at oo nakarating kami. Paano kami nakarating?
Wala kaming naririnig kundi kuliglig sa paligid. Ang dilim ng langit kaya nagmadali na kami sa paglalakad bago pa abutan ng malakas na ulan. Hawak hawak ko ang kamay ni Babe para iparamdam sa kanyang matatapos na din ang lahat at makikita na namin ang lola ko. Ilang minuto na kaming naglalakad pero parang paulit ulit lang ang nilalakaran namin. Madamong lugar, matataas na puno at kuliglig lang ang naririnig namin. Ang dilim ng kalangitan.
"Pwede ba tayong magpahinga muna?" tanong nya sakin na hapong hapo na sa pagsasalita.
"Naririnig ko na ang lagislis ng tubig, sa tingin ko malapit na tayo. Maglakad nalang tayo ng dahan dahan baka abutan pa tayo ng malakas na ulan." ang sabi ko sa kanya.
"Napapagod na ko.... Kung gusto mo balikan mo nalang ako dito kapag nakita mo na ang lola mo at isama na natin sya pauwi sa atin. Gusto ko ng umuwi!" paiyak na sabi nya sakin.
Imbis na magalit at maging negative sa pwedeng mangyri ay tumabi ako sa kung saan sya nakaupo at nagpapahinga.
"Hindi kita pwedeng iwanan dito. At hindi kita iiwan. Kung gusto mong umuwi na tayo, sige. Pero sana maintindihan mo na andito na tayo, please... Malapit na tayo." sabay halik sa noo nya para iparamdam na malapit na kaming umuwi.
Sa ilang minuto naming pagpapahinga ay tumayo na kami. Pahinga na nagdulot ng pagkakamali.
Nagkamali kami kung saan kami nagpahinga. Dahil sa dilim ng paligid ay hindi namin napansin na may nakamasid. Madilim. Matataas na puno. Malamig at malkas na simoy ng hangin. Nakakatakot na paligid. Nanlilisik na mata. Na kahit sa malayo ay natatanaw ko. Papalapit ng papalapit. Nanlilisik na mata. Madilim. Isa. Dalawa. Madami. Mga matang nakatingin sa aming dalawa. Unti unting papalapit sa amin. Dahan dahan kaming umatras. Dahan dahan din silang lumapit sa amin. Madilim at hindi ko alam ang gagawin. Naglakad pa kaming dalawang paatras hangang pakiramdam ko ay wala nakaming dalawang hahakbangan paatras. Malalaglag na kami. Malalaglag sa bangin.
Malapit na sila. Nanlilisik na mga mata. Madilim. Ilang hakbang nalang nila ay siguradong madadali na kami. Yumuko ako at kinapa ko ang madamong lupa kung saan kami nakatayo. Malalaking bato. Kumuha ako ng malalaking bato.
"Sorry, dapat umalis na tayo kanina pa." ang paiyak na bulong nya sa akin.
Pero ngumiti lang ako sa kanya at binato ang mga matang nakatingin samin.
"TAKBO!!!" ang utos ko sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay nya. Mabilis. Pero humabol padin samin ang mga matang nalilisik. Mga asong lobo. Binato ko sila ng ilan pang natitirang bato na hawak ko. Sa tingin ko ay natamaan ko naman yung iba. Takbo. Mabilis. Walang tigil. Madilim. Matataas na puno. Mga nanlilisik na mga mata ng asong lobo ang humahabol sa amin. Isang pagkakamali ay paniguradong susunggaban kaming dalawa. Takbo. Mabilis. Walang tigil. Malapit na kami sa ilog.
"Hindi ko na kaya!" paiyak na sigaw nya.
"Halika na! konti nalang malapit na tayo sa ilog!" pagpapaliwanag ko sa kanya sabay hawak sa kamay nya.
At sa pagabot ko ng kamay nya ay sabay pagtalon ng isang galit na galit at nanlilisik na mga matang lobo ang sumunggab sa binti nya. Wala akong nagawa sa bilis ng pangyayari. Hindi napigilan ang isang asong lobo na makagat sya sa binti pero sa sobrang galit ko ay hinawakan ko ang asong lobo sa leeg at binali ang buto nito. Hindi ko alam kung anong lakas ang naramdaman ko kung bakit ko nagawa ang pagpatay sa isang asong lobo. Pinilipit ko ng mahigpit ang leeg nito sinuguradong hindi na ito makakahinga. Nagpupumiglas ito sa kamay ko pero mas hinigpitan ko pa ang pagsakal at pagpilipit dito.
Duguan ang mga kamay ko pero duguan ang puso ko ng makitang nasaktan ang mahal ko. Nagtahulan lang ang iba pang asong lobo na nakapaligid sa kasamahan nilang lobo na pinatay ko. Galit na galit ang nararamdaman ko. Gusto ko silang patayin lahat. Pero alam kong marami sila at kailangan kong iligtas si Babe.
Binuhat ko sya, dahil alam kong hindi sya agad agad makakalakad. Wala na akong marinig sa paligid. Ang pagtahol ng mga asong lobo at pagsasalita nya. Dugaan din sya at kailangan naming makaligtas.
Madilim. At biglang bumuhos na ang malakas na ulan. Tumatakbo ka sa isang masukal na lugar. Matataas na damo at puno. Wala kang marinig. Huni ng ibon, ingay ng kuliglig at maging ang hinagpis ng isang babaeng buhat buhat mo. Madilim at maging kaluslos ng sarili mo ay di mo.
Patuloy ka sa pagtakbo. Matatanaw mo ang isang ilog sa bandang kanan mo. At sa kaliwa nito ay isang bangin. Matarik na bangin. Bakit ka tumatakbo sa isang kawalan na lugar? Dahil may humahabol sa iyo. Nanlilisik na mga mata. Parang mga anino na hinihigit ang mga paa mo. Tumakbo ka. Tumakbo ka. Tumakbo ka ng tumakbo. Kailangan mong mag ingat sa pagtakbo, dahil maaring malaglag ka sa bangin o maabutan ng mga anino.
Nasa likod mo sila. Malalaglag ka sa bangin. Magingat ka. Nasa likod mo sila. Malalaglag ka sa bangin. Pero malapit ka ng makapalagpas sa bangin at makaligtas sa mga anino. Takbo. Takbo. Takbo.
Pagtapak mo sa madamong lugar ay napansin mong nagliwanag ang paligid. Paglingon mo ay wala na ang mga anino at ang bangin. Ligtas kana.
Nagliwanag na ang kalangitan. Ligtas na ako. Ako dahil duguan parin si Babe at nakatulog na ata sya sa sakit ng binti nya. Nakatawid na kami sa kabilang ilog at hindi na kami masusundan ng mga asong lobo. At sa tingin ko ay nandito na kami sa tinutukoy na ilog ni lolo, ang kanyang dating kampo at kung saan naninirahan si lola. Binababa ko sya muna sa mabatong ilog at tinaliaan ang nagdurugo nyang binti.
Tumingin ko sa paligid pero wala akong makitang senyales na may nakatira dito. Pero hindi ako pwedeng magkamali. Malakas ang pakiramdam ko na andito na kami.
Wala akong magawa kung hindi sumigaw.
"Nasaan kana???" isang mahinang sigaw.
"Kung ikaw man ang lola ko, kung ikaw man ay nadito! Pakiusap nandito na ako!!!" sumigaw ulit ako na parang tanga.
Parang tanga na naniwala sa mga kwento ng lolo ko. Parang tanga na wala akong magawa sa mahal ko kundi ipahamak at paiyakin sya. Parang tanga maniwala sa mga pantasya. Mahiwagang Diwata.
"Pakiusap.... Kung may tao man dito, kailangan ko ng tulong!" paupo na pagsasalita ko. Galit na galit. At hindi ko na mapigilang umiyak.
"Pakiusap..pakiusap.. Ang asawa mo ay ang aking lolo, ako ang iyong apo..." ang patuloy na pagsasalita ko sa sobrang galit at pagiyak.
Tumayo ako na galit na galit. Habang pinupunasan ang luha ko ay kinuha ko ang box ng sulat sa bag ko. Inalala ko na dapat sa simula palang ay hindi ko na tinangkang basahin ang mga iyon at lalong lalo na sa mga kwento ni lolo.
Kinuha ko ang box at naglakad papuntang ilog.
"Itong kahon na to... ito ang mga kalokohan at kasinungalingan na kinagisnan ko! Ang kahon ng mga sulat ng lola ko.."
Lumutang. Lumutang ako literal. Ng akmang itatapon ko na ang box na naglalaman ng mga sulat ay naramdaman kong humiwalay ang mga pagod kong paa sa mga bato ng ilog. Naramdaman ko ang ibig sabihin ng levitation. Pagkatapos ay may narinig akong sumipol sa di kalayuan. Isang matamis at marasap sa pandinig na sipol. Nakita ko nalang na may papalapit na itim at malaking ibon at biglang kinuha sa mga kamay ko ang box ng mga sulat.