"Paano po ba ko makakapunta dun? Saka makikita ko pa po ba sya?" ang tanong ko kay lolo.
"Wala namang masama kung subukan mo.. Naghihintay parin sya malakas ang pakiramdam ko.." ang sagot nya sa akin.
"Ibig sabihin ay buhay pa sya? Pero makikilala nya kaya ako?"
"Sabihin mo lang ang pangalan ko, ang pangalan mo at pakita mo yang sulat na yan at siguradong manunumbalik ang lahat sa kanya"
"Yan na naman kayo sa kwento nyo... noong bata pakayo isa kayo sa pinakamagaling na sundalo..." tumayo ako at nagpatuloy
"Isang gabi, habang nasa kampo kayo ng mga kagrupo at kasamahan mo hindi nyo alam at sinalakay pala kayo ng mga kalaban. Halos lahat ng kasamahan nyo ay napatay bukod sa inyo..." naupo ako at tumigil sa pagsasalita.
At si lolo naman ang tumayo at nagpatuloy, "namatay silang lahat sa pamamraril at bomba. Namatay silang lahat ng walang kaalam alam at kalaban laban. At nabuhay ako dahil sa kanya."
Tumigil sya at pinagpatuloy ko, "niligtas kayo ng isang napakabait at napakagandang..."
"Diwata." sabi ni lolo.
..............................
Dito sa chapter na ito pinili kong ipakilala sayo ang makakasama ko sa kwento.
UNA KONG MAKAKASAMA
Konting background sa kanya:
1. Meron syang special na kapangyarihan para palitan ang kalungkutan ko sa isang masayang araw.
2. Kaya rin niyang pumasok kahit saaan, katulad ng sa isip ko lalong lalo na sa aking puso.
3. Kung drugs lang sya, siguro I'm addicted.
4. At higit sa lahat kulang ang kwentong ito para idescribed sya.
Pasensya na, ayokong maging cheesy para iexplain kung gaano ko sya kamahal :) Hindi ko kailangang ipagsigawan sa mundo dahil ibubulong ko nalang sa kanya kase sya ang mundo ko.
Okayyyy tama na. Ang makakasama ko sa kwento ay si Babe. Sya ang buhay ko. Yan ang tawagan namin bilang magkasintahan. Basta tandaan mo nalang na ang makakasama ko sa kwento ay si Babe.
PANGALAWA.
Sya si tita.
Ito ang sasabi ko sa kanya:
1. Maunawain.
2. Masipag.
3. Nawala nya ang box na naglalaman ng mga sulat, kaya na high blood si lolo kahapon.
4. Mapagmahal.
PANGATLO.
Si tatay.
1. Masarap magluto.
2. Mahal nya kaming magkakapatid lalo na si nanay.
3. May mga maganda syang katangian na gusto kong tularan paglaki ko.
PANGHULI.
Si lolo.
1. Mahilig magkwento, lalo sa akin.
2. Naniniwala sa mahiwaga.
3. May sakit at nasa ospital sya ngayon.
Bago ka mag skip sa susunod na chapter, tandaan mo ang mga makakasama ko sa kwento. Higit sa lahat ang susunod na mangyayari sa pagkikita namin ni Babe.
Inutusan akong magbantay ni tita ngayon kay lolo. Hindi kase makapunta si tita kay lolo dahil galit si lolo kay tita. Galit sya dahil nawala nya ang box na naglalaman ng mga sulat. Ito yung mga weird na sulat na nabasa ko.
Nasa ospital si lolo at ako muna ang papalit kay tatay para magbantay. Sinabi ko ito kay Babe at sinabi nyang gusto rin nyang sumama.
"Magkita nalang tayo sa laging meeting place natin" text nya sakin.
"Okay, antayin nalang kita" reply ko sa kanya.

YOU ARE READING
ANG MAHIWAGA
AdventureKwento ng isang mahiwaga... Mga sulat... Mga sulat ng nakaraan... Nakaraan na walang katiyakan... Masarap balikan ang nakaraan lalo na kung puno ng kasiyahan... Pero kung ito ay isang kababalaghan, maniniwala at babalikan mo pa ba? (Para ito sayo ma...