CHAPTER 7

144 12 0
                                        

Alam kong dalawang storya na ang tumatakbo sa kwentong ito. At salamat at nakarating ka sa chapter na to. Dalawang kwento: Una ang kasalukuyan na kwento ko at pangalawa ay ang kwento ng lolo ko. Isang nakaraan at isang kasalukuyan. Dahil gusto kong humaba ang kwentong to, bakit hindi natin dagdagan ng medyo futuristic na kwento?

ANG PANAGINIP KO

Madilim. At biglang bumuhos na ang malakas na ulan. Tumatakbo ka sa isang masukal na lugar. Matataas na damo at puno. Wala kang marinig. Huni ng ibon, ingay ng kuliglig at maging ang hinagpis ng isang babaeng buhat buhat mo. Madilim at maging kaluslos ng sarili mo ay di mo marinig.

Patuloy ka sa pagtakbo. Matatanaw mo ang isang ilog sa bandang kanan mo. At sa kaliwa nito ay isang bangin. Matarik na bangin. Bakit ka tumatakbo sa isang kawalan na lugar? Dahil may humahabol sa iyo. Nanlilisik na mga mata. Parang mga anino na hinihigit ang mga paa mo. Tumakbo ka. Tumakbo ka. Tumakbo ka ng tumakbo. Kailangan mong mag ingat sa pagtakbo, dahil maaring malaglag ka sa bangin o maabutan ng mga anino. 

Nasa likod mo sila. Malalaglag ka sa bangin. Magingat ka. Nasa likod mo sila. Malalaglag ka sa bangin. Pero malapit ka ng makapalagpas sa bangin at makaligtas sa mga anino. Takbo. Takbo. Takbo.

Pagtapak mo sa madamong lugar ay napansin mong nagliwanag ang paligid. Paglingon mo ay wala na ang mga anino at ang bangin. Ligtas kana. Pero may natatanaw kang bulaklak sa isang puntod. Nasa isang libingan ka. Libingan nino?

---------------------------------------------

Final exam para sa second semister. Ilang exam ng subjects para matapos na ang ilang buwan ng sem. Ilang oras lang ang tulog ko, walang review. Bahala na.

Ilang oras ang exams. Lahat naman nasagutan ko. Bahala na.

Gusto ko lang ikwento na nagexam ako.

At tapos na naman ang isang sem.

--------------------------------------------------

"Yesssss! Bakasyon na! Yahoooooo!!" yan ang kadalasang maririnig mo sa labas ng examination room pagkatapos.

"Kamusta exam dre?" tanong sakin ng isa kong kaibigan.

"Huwag na natin alalahanin yun! B-A-K-A-S-Y-O-N na!!!" pasigaw na 

sagot ko.

"Saan ang bakasyon natin mga dre?" tanong ulit nya.

"Kahit saan." pabulong na sabi ko.

Pagkatapos ng exam, nakita ko syang naglalakad palayo. Pero hinabol ko sya para kausapan tungkol sa nangyari kahapon.

"Pwede ba tayong magusap." tanong ko kay Babe.

"Ano bang nangyayari sayo?" pagalit na tanong nya.

"Ikaw ang dapat tanungin ko kung anong nagyayari sayo? bakit kaba umalis kahapon bigla sa labas?" pasigaw pero kalmadong sabi ko.

"Hindi ako yun. Ibang tao yun." sagot nya.

"Ikaw yun. Hindi ako pwedeng magkamali." giit ko sa kanya.

"Makinig ka, umalis ako kahapon kase pinagtitinginan ka ng mga tao. Alam ko dapat hindi ko ginawa yun, pero parang ilang araw na din akong nawiwirduhan sayo?" pagpapaliwanag nya sa akin.

"Pero wala naman akong ginawa kahapon bukod sa kausapin yung matandang nakilala ko? Napasigaw lang ako kase ayaw nyang tanggapin yung payong na pinapahiram ko sa kanya kaya siguro nagtinginan yung mga tao sakin." pagpapaliwanag ko din sa kanya.

"Pwede ba wag ka ng maggawa ng storya? Makinig ka, ilang minuto lang dumating na ako sa meeting place natin. Pero napansin ko nagsasalita ka na wala namang kausap. Pagkatapos bigla ka nalang sumigaw. Sa tingin mo normal yun? Talagang pagtinginan ka ng mga tao!"

Nagsasalita ka na wala namang kausap.

Nagsasalita ka na wala namang kausap.

Nagsasalita ka na wala namang kausap.

Hindi na ako nakasagot sa sinabi nya.

"At pwede ba wag ka ng maniwala sa lolo mo. Sa mga kwento nya tungkol sa kung anong kababalaghan. Diwata." galit na pagpapatuloy nyang pagsasalita.

Pagkasabi nya ng lahat ng yun ay hindi ako nakatingin sa kanya ng diretso. Nahihiya. Naguguluhan. Weirdo na nga ata ako. Pero totoo ang lahat ng sinabi ko sa kanya. Masyado na nga ata akong nakikinig sa mga pantasya ng lolo ko. Pinakamahirap na atang alamin ang totoo sa kasinungalingan. Duwag. Takot. Matagal na pananaw na kailangan ng katotohanan.

ANG MAHIWAGAWhere stories live. Discover now