CHAPTER 5

160 13 0
                                        

Natandaan mo pa ba yung sulat na nabasa ko? Sa sobrang boring sa loob ng ospital at walang makausap ay naalala ko na nasa bag ko nga pala yung box na may laman ng mga weird na sulat. Hindi naman masama siguro magbasa ulit. Kinuha ko ay mas luma sa una kong binasa.

December 1975

Nasabi ko na ba sayo na ngayon lang ako nakakita ng kumikinang na ilaw sa langit? Ang sarap pagmasdan. Makukulay. Parang bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko ang mga iyon. Masaya pero ang malungkot ang puso ko.

Balanse ang pakiramdam.

Apat na araw ka palang nawawala pero humahanap padin ako ng paraan para makalimutan ka. Ano nga ba ulit ang nangyari sa Alamat ng kuneho? Iyan ang dapat ikwento mo sa akin bukod sa sitwasyon mo ngayon dyan.

P.S. Mahal na mahal din kita. At mahal na mahal ko ang tula mo.

..............................


Alas dyis na ng gabi ako nakauwi galing ng ospital.

Nakakapagod dahil sa dalawang bagay:

Una: nakaupo lang ako at walang ginawa kundi magbasa ng magbasa ng libro habang binabantayan ko si lolo.

Pangalawa: naghalo halo na ang nasa utak ko dahil sa pagbabasa at pag kukwento ni lolo ulit ng kabataan nya.

Binalita ko sa kanya na nakita ko na yung box ng mga sulat nya. Natuwa sya at naiyak pa nga. Pero sabi nya ay okay na daw sya, ako nalang daw ang magtago ng mga ito. At syempre sa huli ay napunta na naman sa kanilang dalawa ni lola ang kwento.


Mid-September 1973

Ganyan ang araw at buwan na kwento ni lolo ng madistino sya sa probinsya. Pero wala syang magawa kase gusto nyang makatulong sa pamilya at higit sa lahat sa bayan. Tinanong ko ulit sya tungkol sa sulat na tinatago tago nya na ng matagal. At ganito daw nangyari ang storya.

"Pinapatawag ka ni sergeant bilisan mo!" utos sa kanya.

"Copy sir!" sagot ni lolo.

Kabadong kabado daw si Lolo sa tuwing pinapatawag sya ng sergeant nila dahil pinapatawag lang daw silang mga sundalo ng sergeant nila kapag may mali silang ginagawa, may iuutos o hindi kaya ay trip lang.

"Alam mo naman siguro kung bakit pinatawag kita hindi ba?" tanong ng sergeant.

"Sir, Yes sir!" sagot nya.

"Wala yung isang sundalong nakatoka sa pagluluto at paglilinis kaya ikaw muna ang papalit sa kanya" pagpapaliwanag kay lolo.

"Sir, pasensya na po pero hindi ko po masisiguradong magaling akong magluto sir" sagot naman ni lolo.

"Wala na tayong magagawa, sa ngayon ikaw na muna ang magluluto at maglilinis dito sa kampo, copy?"

"Copy Sir!"

Paano at kanino galing ang mga sulat sa box?

Ganito ang kwento ni lolo.

Ilang buwan na ang lumupas at nasanay na si lolo sa pagluluto at pananatili ng kalinisan sa kampo. Sa umaga, tanghalian at hapunan sanay ang mga kasamahan nya sa pang laman tyan nila. At ngayong gabi ay isa sa pinakamalungkot na araw para kay lolo at sa kasamahan nya. Bukod sa malayo sila sa mga pamilya nila ang nag palungkot pa ay ang nalalapit na pagsapit ng pasko.

At higit sa lahat...

*Spoiler alert* mamatay silang lahat maliban kay lolo. Gusto ko ng ikwento ang mangyayari sa gabing iyon para wala ng thrill dahil alam kong sa huli ay mahuhulaan mo din naman.

Mahuhulaan mo maliban sa isang pangyayari.

"Sir, hindi po ba talaga ko makakasama ngayon sa inyo?" tanong ni lolo

"Ikaw na munang bahala dito sa kampo at sa makakain natin sa pagbalik namin" sabi ni sergeant

"Pero Sergeant.." sabat ni lolo

"Walang mangyayari sa grupo natin, konti lang ang namatyagang kalaban na lulusubin namin. Mas malaki ang matutulong mo dito kesa sa pagsama samin mamaya." muling pagpapaliwanag ni sergeant

Hindi alam ni lolo kung insulto o puri narin ang sinabi ng sergeant nila sa kanya. At ngayon ko lang narinig ang kwento na ito na hindi pala talaga magaling na sundalo si lolo. Hindi magaling pero alam ang pagiging sundalo.

"Mag inom ka muna habang inaantay mo kami, pero pagkatapos ay maglinis at maghugas ka" utos ng sergeant kay lolo.

"Sergeant, ganyan nyo nalang ba talaga ako utusan at sa tingin nyo na sa paginom na to ay matutuwa pa ko?" pagdadabog ni lolo

"Bakit? Kailan ba nasulat sa records mo na sumabak ka sa giyera? Kung hindi tagasulat ka ng mga sergeant ay tagaluto ka lang naman ah!" pasigaw na sabi sa kanya ni sergeant.

"Kaya nga hinahamon ko kayo na isama nyo ako ngayon para mapatunayan ko sa inyo ang mga natutunan ko!" pasigaw na sagot din ni lolo.

Lumapit ang sergeant at tinapik si lolo sa likod.

"Wala ka ng papatunayan, nabalitaan ko ang pagligtas mo sa isang babae sa bayan at sapat na iyon..." pagpapaliwanag ng sergeant at nagpatuloy sa pagsasalita

"...nakausap ko sya at nagpupumilit sya na huwag kitang isama dahil pupuntahan ka daw nya ngayon para magpasalamat sa iyo."

Hindi parin natuwa si lolo sa sinabi ng sergeant. Gusto parin nyang sumama.

Para mapatunayan.

Para mapatunayan.

Para mapatunayan.

Para mapatunayan na magaling si lolo.

Pero iba ang napatunayan nya habang masama ang loob at ginagawa ang utos sa kanya.

Habang hinahanda na ng mga kasamahan ni lolo ang mga baril na gagamitin at ang truck na sasakyan ng mga kasamahan nya, si lolo ay abalang abala din. Naglilinis na sya at dala ang isang drum para mag igib ng tubig. Kumuha ng tubig sa ilog.

Kahit na nagpaalam sa kanya ang sergeant nya, hindi nya ito inimik senyales na masama parin ang loob nya.

Dala dala ni lolo ang isang drum. Dala rin nya ang isang gasera para makita nya ang daraan nya. Halos 30 minutes din ang inaabot ng paglalakad nya papunta sa ilog.

Isang masukal. May matataas na puno. Madilim na paligid. At huni ng ibon at kuliglig lang ang naririnig nya.

Tapos na si lolo at pauwi na sya, pero ito ang kanyang napatunayan.

Napatunayan nyang binigyan sya ng pagkakataon. Pagkakataong mabuhay.

ANG MAHIWAGAWhere stories live. Discover now