Ang ika-tatlong araw ang isa sa pinakanakakatakot, nakakapagod at napakahiwagang araw na narasan ko. Ayoko ng matapos ang araw na iyon pero wala na kong nagawa dahil hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari pagkatapos ng pangyayari sa ilog.
Malapit ng matapos ang kwento. Malapit ng malaman ang totoo.
At ang chapter na ito ang isa sa magdadagdag sa hinuhulaan mong mangyayari sa kwento.
------
IKA-APAT NA ARAW.
Pagod na mga paa. Masakit na mga braso at likod. Maginhawa at malambot na pakiramdam. May tumapik sa likod ko at nagising ako sa ulirat na dapat ay nasa ilog ako at lumulutang.
"Sssssshhh...." ang sabi nya sakin.
"Nasaan si Babe? Kailangan nyang magamot!... Ikaw naba ang lola ko?" ang pasigaw na pagkakasabi ko sa sobrang pagkagulat.
Ngumiti lang sya at nagsalita, "Kamukang kamuka mo talaga sya... ikaw na nga ang apo ko?" ang nasabi nya pagkatapos hawakan ang muka at buhok ko.
Bigla nya akong niyakap. Kalmado ang pakiramdam. Oo, sya na nga ang lola ko. Umiiyak sya naririnig at nararamdaman ko.
Nilinawan ko ang pagtingin sa paligid dahil satingin ko ay madaling araw palang. At habang yakap nya ako ng mahigpit ay naramdam ko sa likod ng pagkakaupo ko sa papag si Babe. Nakita ko rin na mahimbing ang tulog nya at mukang may nakatapal ng dahon sa binti nya. Ginamot na sya ni lola.
Alam kong dumating na sa buhay mo ang pakiramdam na hindi mo maipalawag, galit, hinanakit, at mga tanong na hindi mo alam kung paano sisimulan pagkatapos ay bigla mo nalang makakalimutan sa pamamagitan ng isang yakap.
"Alam ko ang gusto mong mangyari, kahit na pilitin kitang makapag pahinga muna kayo ay gusto mo akong kausapin..." pangiting sabi nya saakin. Kamukang kamuka nya nga talaga si tita at hindi sya nagkamali sa pagkakasabi nya sa sulat nya kay lolo.
Hindi sya matignan ng diretso sa mga mata. Hindi ko alam kaya ngumiti at tumango lang ako sa kanya.
"Tumayo ka dyan at hayaan muna nating makapagpahinga ang kasintahan mo. Napakaganda nya at huwag kang mag alala dahil nilagyan ko na ng lunas ang mga binti nya." patuloy na pagsasalita nya.
At nginitian ko lang muli sya at sumunod sa kanya. Sya ang lola ko at kailangan kong magtiwala.
Mga lampara lang ang nagiilaw sa loob ng bahay nya. Isang napakagandang bahay. Maraming mga antigong gamit. Isang lumang bahay na hindi nakakatakot katulad ng mga napapanood ko sa palabas. Haunted house na napakamagical. Sa may bandang terrace sya nagpunta at naupo sa tomba-tomba nya. Grabe sa ganda ang paligid. Ang bahay nya na paglabas mo ay matatanaw ang reflection ng buwan sa ilog. Ang pinaka astig na mga puno na pinalilibutan ng mga alitaptap na nagkikislapan at makukulay na parang laging Pasko na nagsisilbing Christmas Tree.

YOU ARE READING
ANG MAHIWAGA
AdventureKwento ng isang mahiwaga... Mga sulat... Mga sulat ng nakaraan... Nakaraan na walang katiyakan... Masarap balikan ang nakaraan lalo na kung puno ng kasiyahan... Pero kung ito ay isang kababalaghan, maniniwala at babalikan mo pa ba? (Para ito sayo ma...