CHAPTER 6

161 12 0
                                        

"Sino ka?"

"Huwag ka ng magtago dyan.... nakikita kita!"

Sa isang malayo habang papaalis na si lolo sa ilog ay may nakikita sya. Alam nyang may gumagalaw sa malayo at gumagalaw na damit. Itinaas nya ang gasera at lumapit sa may bandang kaliwa kung saan nakita nya ito sa mga nagtatataasang puno sa tabi ng ilog. Lumapit pa sya at binababaa ang gasera kasama ng drum na buhat buhat nya. Isang baril lang ang dala nya at kailangan nya ito. Pinatay nya ang gasera dahil alam nyang pwedeng makita sya nito. Dahan dahan syang naglakad sa gilid ng ilog para hindi sya makagawa ng ingay. Madilim. Mahabang damit. Kulay puti. Alam nyang babae ang nakita nya. Paglapit ni lolo sa masukal at punong kahoy biglang nagliwanag ito. Liwanag ng lampara.

"Bumalik kana.." sagot ng babae.

"Anong ibig mong sabihin? Huwag kang gumalaw dyan!" sabi ni lolo.

Isang gabi sa madilim na ilog. Anong ginagawa ng babaeng to? Spy ng mga kalaban? Yan ang unang nasaisip ni lolo. Nakatalikod ito at hindi nya makita ang mukha nito. Kaya tinutukan nya ito ng baril para malaman ang totoo.

"Hinding hindi ko malilimutan ang ginawa mo sa akin." patuloy na sabi nito

"Ilagay mo ang kamay mo sa ulo mo! Humarap ka sa akin!" paliwanang ni lolo.

Isang babaeng nakasuot ng mahabang puting damit. Nakita rin nya na mahaba ang buhok nito. Pero sa sobrang kadiliman ay hindi makita ni lolo ang lahat.

At imbis na sundin ng babae si lolo ay unti unting humarap ito sa kanya. At unti unting lumalapit sa kanya. Unti unting itinaas ng babae ang kanyang kanang kamay at parang inaabot si lolo habang papalapit sa kanya.

BAAAAAANGGGGGGGGG!

Hindi alam ni lolo ang gagawin.

Biniril nya ito.

Tatlong nakakagulat na pangyayari sa gabing iyon.

1. Sa hindi inaakalang pangyayari ay nabaril ni lolo ang babae pagharap nito. Nabigla rin sya dahil natakot sya sa paglapit nito sa kanya.

2. Huli na ng napagmasdan nya ang mukha nito. Maamo, matangos na ilong at mapupulang labi. Kilala nya ito. Ang babae na dating tinulungan nya. Pero bigla nalang itong nawala. Ang babae ay parang illusionist sa isang carnival na bigla nalang nag invisible sa harap ni lolo at naglahong bigla.

Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi makaalis sa pagkakatayo si lolo sa ginta ng madamo at mapunong ilog na iyon. Tumingin sya sa paligid pero wala na ang babae. Wala ang katawan nito sa madamong lupa at sa paligid. 

"Maraming salamat..."

Narinig nya ang babae na nagsalita at nilingon nya ito sa paligid ng ilog. At nakita nya ang babae sa malayo na may hawak ding lampara. Papalayo at patungo ang babae sa isang bahay na bigla nalang na nagliwananag. Pagkatapos ay nakahinga ng maluwag si lolo.

Ang huling pangyayari.

3. Totoo ang lahat ng naranasan ni lolo nung gabing iyon, higit lalo na ang pagbalik nya sa kampo at matunghayaan ang mga katawan ng kasamahan nyang sundalo at sergeant na walang buhay. Lahat sila ay patay na bukod kay lolo.

Ang babaeng niligtas nya ay mahiwaga. Ang babaeng ito ay ang nagligtas din sa kanya. Dahil kung hindi pinilit ng babae ang sergeant ni lolo na huwag syang isama ay sigurong pagbalik nya ay mapapatay din sya sa kampo. Ang babaeng hinding hindi makakalimutan ni lolo. Dahil pagalis ni lolo sa probinsya ang babae ay kanyang matagal na naging nakasulatan. Ang mga sulat sa box. Ang buhay nya. Si lola.

ANG MAHIWAGAWhere stories live. Discover now