Tatlong oras na kaming nakahiga lang sa loob ng barko. Habang hinahampas ng ito ng malalaking alon. Umaga na pero madami pa kong dapat ikwento sa kanya para mas lalo nyang maunawaan kung bakit kami nandito ngayon. Para mas maliwanagan sya ay binuksan ko ang box at nagbasa muli.
September 1975
Ang pakiramdam ay nakakahilo naparang inuuga ka. Nakakatakot. Nakakalungkot at nakakaiyak. Ang pagsakay sa barko mag isa. Pero walang hihigit sa pagbisita ko saiyo. Ang makilala ang mga taong mahal mo bukod sa akin. Nasabi ko na bang nalulumbay ako? Na sana manatili pa ako sa piling mo.
Alalahanin mo ako kung ninanais mo. Bisitahin mo ako kung iyong gusto.
P.S. Magaling ako sa paghihintay.
Magkayakap kaming nakatulog habang binabasa ko sa kanya ang iba pang mga sulat. Pagmamahal at kasawian ang pakiramdam. Ilang oras nalang ulit at dadaong na ang barko. Sana walang kabiguan.
--------------------------------------------------
Pagkababa namin ng barko ay naramdam ko agad ang pagkahilo. Ilang oras din ang byaheng yun. Ilang oras ulit kaming biyahe na naman siguro. Nagdisidido muna kaming mag almusal para makapagisip at magpakabusog.
"Kung hindi man natin matagpuan yung lola mo, tandaan mo na naniniwala parin ako sayo" sabi nya sakin.
Pinakamasarap na naramdam ko ay nung sinabi nya yun sa akin. Pakiramdam na nag eexist ka at hindi nagiisa.
"Pero hindi lang para sakin ang gagawin nating paghahanap sa kanya, ngayon na alam kong matagal na din palang hinahanap sya." ang nasagot ko lang sa kanya.
Natapos na namin ang almusal at bandang tanghali na. Mainit ang pakiramdam pero masarap dahil sa dalang lamig ng simoy ng hangin. Ang pakiramdam ng probinsya.
Kinuha ko ang ilang naprint ko na background sa lugar na ito at kung pano namin mapupuntahan ang dating kampo ni lolo. At syempre mas importante ang pagtatanong sa mga naninirahan dito.
"Mga ijo at ija, maghanap muna kayo ng matutuluyan dahil napakalayo pa ng pupuntahan nyo." ang sagot ng aleng pinagtanungan namin.
Sa tingin naman namin ay tama ang payo ng babae kaya nagpatulong narin kaming dalawa ni Babe maghanap ng matutuluyan para sa ilang araw. Ilang araw ng walang kasiguraduhan. Sapat na ang limang araw. Limang araw para tapusin ang natitirang chapter ng storyang ito.
UNANG ARAW.
Malakas ang ulan. Hindi ko alam kung may bagyo o sadyang maulan lang talaga sa probinsya. Nakapagtext na ako kay tita na nasa mabuting kalagayan naman kami dito sa probinsya. Hindi ko sya matawagan dahil limitado lang daw ang kuryente dito at sa kabilang baryo pa pwedeng magcharge.
Pictures. Simulat nagpunta at nakarating kami dito sa probinsya ay kinukuhanan ko ang lahat ng makikita ko at naglalagay ng credit upang sakaling ipakita kina tatay, tita at lolo sa pagpabalik namin. Maging ang mga sulat sa box, lahat ay kinunan ko ng picture para kung sakaling ibalik ko kay lola ay may matitira parin akong alala ng mga malalamin at astig na sulat nya kay lolo.
Sa malang ay dito muna kami sa bahay na naupahan namin ngayon maghapon. Isang lumang bahay na gawa sa kahoy at probinsyang probinsya talaga ang dating nito. Walang hotel dito sa tingin ko, pero kung meron man ay hindi na kaya ng budget ko.
"Kamusta ang pakiramdam mo ngayon?" tanong nya sakin.
"Nilalamig.... Ang sarap pala dito sa probinsya, pero walang sasarap pa kapag kasama ka." sabi ko sa kanya.
"Paano kapag nag ibang bansa ako? papayagan mo ba ako?" ang biglang sabi nya. Hindi ko alam kung bakit nya biglang natanong ang situational na ganun.
"Hindi. Ayokong umalis ka sa akin at paniguradong mamimiss kita..." ang agad kong nasagot sa kanya, kahit na alam kong hindi naman talaga sya aalis.
"Paano kung sabihin kong ayoko na? set me free?" ang malalim nyang tanong ulit sa akin.
"Pagbibigyan kita kung mabibigyan mo ako ng isang matinding dahilan kung bakit ayaw mo na... At sabihin mo sakin kung pano ko kakalimutang mahalin kita?" ang malalim ko ding sagot sa kanya.
Nginitian nya lang ako at nginitiian ko din sya pagkatapos ay hilakan ko sya para mawala ang lahat ng nasa isipan nya. Ganyan lang talaga silang mga babae masyadong situational pero malalim, mapagmahal at maiintindihan ka.

YOU ARE READING
ANG MAHIWAGA
AdventureKwento ng isang mahiwaga... Mga sulat... Mga sulat ng nakaraan... Nakaraan na walang katiyakan... Masarap balikan ang nakaraan lalo na kung puno ng kasiyahan... Pero kung ito ay isang kababalaghan, maniniwala at babalikan mo pa ba? (Para ito sayo ma...