"Hello?"
Napansin ko nagriring pala yung cellphone ko. Nakasilent to at sa tingin ko kanina pa may tumawag.
"Babe, hindi na ko makakapunta dyan. Kailangan ko palang pumunta sa school. Ingat ka nalang ha?" paputol putol nyang sabi sa akin.
"Ano? Ang lakas ng ulan ah? Samahan..."
Disconnected. Binababa nya na ang tawag.
Tapos na ang tawag pero nagsasalita pa at nagpapaliwag padin ako.
"...na kita sa school."
1 unread message.
"Babe, sorry. Okay lang ako, binaba ko lang yung tawag kase andito na ako sa school."
received 11:17 am
Nasa school na sya? Baka nagteleport sya? Pero parang naririnig ko na nasa ulanan sya? Pagkatapos ilang minuto lang pagkaalis nung matanda ay parang nakita ko si Babe sa malayo. Wala sa diksyonaryo ko ang malikmata. At lalong lalo na hindi malabo ang mga mata ko. Siya ang nakita ko.
"Sir! yung paper bag nyo po nakalimutan nyo" isang crew na pilit tumatawag pala sa akin sa malayo.
"Hindi sa akin yan!" galit na sagot ko.
Teka. Nakalimutan ata nung matanda babae yung isang paper bag nya.
"Teka! Saglit! akin pala yan!..." bumalik ako sa crew at kinuha ang paper bag.
................
"One of the best teachers in life is when you are alone in a car sitting, looking outside the window while raining and making decisions."
Hindi ko alam kung sino ang nag quote nyan pero gusto ko lang sabihin. Totoo dahil sa sitwasyon ngayon, akoy mag isa. Umuulan. Sountrip. At nagiisip. Nagiisip kung bakit ganun nalang yung pagkakasabi nya na hindi na sya makakasama sakin. Sya yung nakita ko. Pero bakit bigla syang nawala? Dahil sa matandang nakita nyang kausap ko?
"Para po."
Andito na ko sa ospital. Male ward. Second floor. Room 213. Yan ang sabi ni tita. Malaki na daw ako at hindi na maliligaw dahil maliit lang naman tong ospital na to "daw". Pero mas lamang na ang nagtatanong sa panahon ngayon kesa gumamit ng gps sabi ng champaign ads na napanood ko. Saka walang gps ang cellphone ko.
"Second floor. Male ward. Room 213 sir."
Andito na ko.
"Tay, kamusta si lolo?"
"Shhhhh....Wag kang maingay kakatulog lang nyan.." sabi at senyas nya sa akin.
Lumapit ako sa pagupo kay tatay at binababa ang bag pack at paper bag na dala ko.
"Sige na tay, umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako muna ang magbabantay kay lolo...." pangiting sabi ko sa kanya.
Ilang saglit pa ay umalis na rin si tatay at sinabing babalik nalang daw sya mamaya.
Sa maliit na kwarto lang nakaconfine si lolo. Maliit na sya lang ang pwedeng mahiga sa isang kama. Ibig sabihin dito lang ako sa silya hanggang mamaya. Magiging boring hanggang mamaya. Hanggang tulog pa si lolo. Dahil mamaya pagnagising na sya alam kong kukwentuhan nya ulit ako. Isang mahiwagang kwento.
At gusto kong ikwento rin sayo.

YOU ARE READING
ANG MAHIWAGA
AdventureKwento ng isang mahiwaga... Mga sulat... Mga sulat ng nakaraan... Nakaraan na walang katiyakan... Masarap balikan ang nakaraan lalo na kung puno ng kasiyahan... Pero kung ito ay isang kababalaghan, maniniwala at babalikan mo pa ba? (Para ito sayo ma...