Pasenya na at kailangan ko pa ng isang chapter para sa ika-limang araw. Ang huling araw namin sa probinsya. Ang huling araw para magpaalam.
Marami pa akong dapat ikwento at sabihin pero alam kong nakuha at nagets mo na ang magiging ending. Pero ayokong maging spoiler ulit kaya hayaan ko muna kayong manghula ulit. At sa isang banda ay balikan ang mga nangyari at nakilala ko.
---
ANG BABAENG TAGA-BANTAY
Umpisa palang ng pagpapakilala ko sa kanya alam kong nahulaan mo na, na may kakaiba sa kanya. Kase ba naman, panong di sya maging kakaiba dahil sa mahiwaga nyang pinagsasabi sa akin. At sa mahiwagang nyang pagkatao. Mahiwaga. Pero nagkakamali ka, hindi sya diwata.
"Maari pa ba kayong manatili kahit isang araw dito sa probinsya?" ang malungkot at mahinang sabi nya sa amin habang nagiimpake na kami ng mga gamit namin.
"Pero kailangan na naming umuwi at ibalita ang lahat lahat na nalaman ko dito, higit lalo na ang tungkol kay lola." ang pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Maraming salamat sa pagtulong mo sa amin at dito sa bahay mo" ang sabi ni Babe.
"Ang tungkol sa akin, hindi mo ba gustong ibalita?" paiyak na sabi nya sa akin. Sa akin dahil sa mga mata ko sya nakatingin. Sa akin dahil naramdaman kong may koneksyon sa aming dalawa.
"Sino ka ba?" ang natanong ko sa kanya.
"Wala akong mga sulat katulad ng kay nanay, pero gusto mo bang magkwento nalang ako?" ang nasabi nya lang sa akin.
Nahulaan ko na kung sino sya. At siguro ikaw din. Pero tumango lang ako, hudyat ng pagtutuloy nya ng kwento.
"Si nanay ay tahimik lang na naninirahan dito sa probinsya. Pero nagbago ang lahat ng nakilala nya si tatay. Si tatay na isang sundalo.
Minahal nya si tatay pero iniwan sya nito. At ako rin ay iniwan ni nanay pagkaanak nya sa akin at hinanap si tatay. Lumaki ako ng hindi sila nakikitang dalawa. Lumaki ng hindi sila nakikilala. Dahil si nanay ay patay na at si tatay ay hindi na ako binalikan" timigil sya saglit para maupo at nagpatuloy,
"Ilang taon ang lumipas. Lumipas na alam kong may kakaiba sa akin.
Ang nagpalaki sa akin ay parating pinapaalala na ang aking nanay ay isang Diwata. At isang araw nagpakita sakin si nanay. Tulad ng kwento nya sa iyo, 'Ang Alamat ng 'Tiwala' nagpakita sya dahil ako ay nagtiwala na Diwata sya" nagpahinga sa pagsasalita
"Pero alam mo bang may mga kapatid ka?" tanong ko sa kanya.
"Alam ko, kaya nandito ka ngayon. Para kay nanay at sa akin. Para makita kami. At para sayo upang malaman ang lahat." sabi nya.
Nagpatuloy sya, "si nanay ay patay na, ang iyong lola. At ako ang sanggol na iniwan nya dito sa probinsya. Bago sya namatay sa paglubog ng barko papunta kay tatay."
Binababa ko ang iniimpake kong gamit at sabay takbo at yakap sa kanya. Mahiwaga ang pagkatao nya. Pero hindi sya Diwata. Sya ay anak ni lolo at lola.
Pagkatapos ay may inabot sya sa akin, "alam kong ikaw ang pupunta dito. Alam ko dahil sa litratong ito." ang sabi nya sakin.
Ang litratong binigay ko sa matandang babae habang bumagagyo.
ANG LITRATO AT MATANDANG BABAE
Sana natandaan mo pa ang matandang babaeng nakilala ko habang nag aantay kay babe. Binalaan na kitang huwag kalimutan at mag skip ng Chapter pero pwede mo pa naman balikan sa Chapter 3.
Ikaw na ang pinakamatalinong magbabasa dahil alam kong nahulaan mo ulit na kakaiba ang matandang babaeng iyon. Dahil sa pananalita nya at lalo na ang paghingi nya sa akin ng picture.
Tama ka. Dahil ang matandang babae at ang lola ko ay iisa. Obvious naman sa kwento.
Pero yung paper bag natandaan mo pa? Inuwi ko iyon at nasaan na kaya? Bakit di mo basahin ang susunod na Chapter...

YOU ARE READING
ANG MAHIWAGA
AdventureKwento ng isang mahiwaga... Mga sulat... Mga sulat ng nakaraan... Nakaraan na walang katiyakan... Masarap balikan ang nakaraan lalo na kung puno ng kasiyahan... Pero kung ito ay isang kababalaghan, maniniwala at babalikan mo pa ba? (Para ito sayo ma...