CHAPTER 3

205 16 2
                                        

Halos nabuksan ko na yung dalawang drawer pero wala talaga hindi ko makita. Ang pagkakaalam ko sabi ni tita hindi naman daw nya tinapon yun. Sa unang drawer nakita ko lang ay mga damit at sa pangalawa naman ay mga lumang libro lang. Mga educational at sci-fi books na ang iba ay hindi ko pa tapos basahin. Hindi ko pa tapos basahin dahil wala kong oras para basahin at syempre sa sobrang lalamin ng english ay hindi ko maintindihan.

Here's a fun fact:

Kapag may hihinahap ka hindi mo talaga makita, pero kapag hindi naman hinahanap andyan lang at pakalat kalat (Saklap).

Nilabas ko lahat ang laman ng drawer.

'Demonata Bec', isa sa paborito kong libro na nakita ko. Ang adventure ng isang babaeng may kakaibang kapangyarihan isa na dito ang matalas nyang memorya na halos alam nya lahat ng pangyayari sa buhay nya simula ng pagkaanak sa kanya.

Pawis na pawis na ko.

Paglabas ko ng ilang huling libro ay may napansin ako na ngayon ko lang nakita. Isang lumang box na nakatali pa. Isang box na pakiramdam ko na ayun na ang hinahanap ko. Isang box na sa wakas ay maibabalik ko na kay lolo.

..........................

10:54 am

Ako ang nauna sa meeting place namin. Umorder muna ako ng pagkain para naman hindi ako mabored at dahil gutom na din agad ako kahit na nagalmusal ako kanina. Alam ko din na kapag nauna ako sa kanya ngayon sa pagaantay ay aabutin din siguro ng matagal bago sya dumating. Matagal. Dahil alam na naman natin na ganyan kabagal kumilos ang ibang babae kase..

a. Kung ano ano pang mga nilalagay sa buhok at katawan kapag naliligo

b. Kung ano ano pa ang pony o kaya may trintas pa sa buhok

c. Kung ano ano pa ang pabango, polbo at halos lahat ng pang kolorete sa katawan

d. Kung ano ano pa ang pagpipiliang damit bago umalis

e. Sadyang ganyan lang sila at kailangan irespeto

"May nakaupo ba dyan sa tabi mo?" isang mahinang boses na aking narinig at sa tingin ko ako ang kausap nya.

Tinignan ko sya at nakita ko ang isang matandang babae, "Wala ho."

"Makikiupo muna sana ako ha ijo?" tanong nya sa akin.

"Sige po wala pong problema, akin na po yang dala nyo. Dito ko muna ho ilagay" alok ko sa kanya, pagkatapos ay iniligay ang gamit nya sa baba ng lamesa.

Tapos na ko kumain pero wala parin si Babe at ngayon may katabi pa ako. Sa tingin ko naman ay mabait sya. Hindi ako alam pero pakiramdam ko nagpapahinga lang sya dito at nagkataon na wala ng maupuan at sa tabi ko nakiupo. At sa tingin ko wala rin syang balak bumili o umorder.

"Ijo may bagyo ba ngayon?" tanong ulit sa akin ng matanda.

Hindi ko napansin na ang lakas pala ng buhos ng ulan sa labas. Nakatalikod kase ako sa pagkakaupo ko at nakaharap sa madaming tao. Kaya pala takang taka ako kung bakit parang basang basa sya nung tumabi sa akin. Sana wag naman abutin ng ulan si Babe sa byahe.

"Hindi ko po alam lola" ang nasagot ko sa kanya

Pero ang totoo alam ko na may padating daw na bagyo pero ang hindi ko alam ay sa ngayong araw pala ito dadating. Matanda na sya, at sa tingin ko ay saksi na ang kulobot nyang balat at maputing buhok sa ilang henerasyon kaya lola ang tinawag ko sa kanya. At hindi bilang pag galang kundi sadya nalang lumabas sa bibig ko ang salitang yun. Ang salitang hindi ko manlang nasabi sa totoo kong lola.

"Wala pa naman akong dalang payong ngayon at malayo pa ang pupuntahan ko pauwi sa probinsya.." pabulong nyang sinabi at lumingon sa malakas na ulan sa labas.

Sa mga ganitong sitwasyon talaga humihina ang puso ko, sa sitwasyon na ang mga lola at lolo ay nahihirapan. At sa ngayon na bigla kong naalala si lolo na nakahiga at nagpapahinga sa ospital. Hindi ko alam kung okay sya ngayon pero sana ay "oo". Ayoko ng maranasan ulit yung sa kalagitnaan ng masasayang tawanan ay bigla namin syang isusugod sa ospital. Sa isang iglap.

"Nako lola meron po akong payong dito, at huwag na wag kayong susugod sa ulan baka magkasakit kayo!" pasigaw kong nasabi sa kanya dulot ng pagaalala.

Hindi ako alam kung bakit napasigaw ako. Napasigaw sa sobrang pagaalala. Sa ingay na yun napatingin yung crew na naglilinis ng kabilang table. Biglang tumahimik. At paglingon ko sa likod ay nakatingin narin pala halos lahat ng kumakain sa fastfood na yun. Ang mga mata nilang parang sinasabing "huwag kang OA bata!". Dahan dahan nalang ulit akong tumingin sa harap. Gusto kong mag teleport katulad ni Goku para makaalis sa fastfood na yun dahil sa epicfail na kahihiyan.

"Ijo alam ko na ipapahiram mo talaga sakin yan. Kase mabait ka. Pero pwede bang makisuyo nalang ulit ako sayo?" pangiti nyang sinabi sa akin.

Pakiramdam ko parang walang agwat saming dalawa. Kahit na ngayon lang kami nagkita ng matandang yun at hindi na sya iba sa akin.

"Oho kahit ano ho." sagot ko sa kanya.

"Pahiramin mo nalang ako ng payong na yan ha? At dahil napakabait mo at gusto kitang maalala.... "

matagal tumigil sa pagsasalita ang matandang babae at pagkatapos ay ngumiti

Drummmmmm roll...

"..pwede bang bigyan mo ako ng litrato mo?"

Bigyan ng litrato? Ano to lokohan? Parang nagising ako sa katinuan. Hindi naman siguro ako nabubudol? Hindi naman sya siguro katulad ng mangkukulam sa Hansel and Gretel na ilalagay ka sa oven at kakainin? (Hindi ko alam bakit iyon ang naisip ko.) Mukang maganda naman yung intensyon nya na gusto nya lang talaga akong matandaan. Malay mo kase magkita ulit kami.

"Pasensya na kayo lola, heto na ho ang payong..." sabi ko sa kanya.

Nagdalawang isip pa ko sa picture. Pero inabot ko parin sa kanya ang isang luma kong picture sa wallet ko.

Ngumiti lang sya at ngumiti lang din ako. Tinapik nya ako. At sinabing huwag ko na daw syang ihatid sa labas at okay lang daw. Weird yung nangyari. Weird yung pakiramdam.

"Mag ingat ka sa bagyo sa puso mo..."ang huling sabi nya.

Yan ang huling paalala nya sa akin. Kinilabutan ako. Literal. Tumango nalang ako at kumaway sa kanya habang palayo at palabas na sya. At namukaan ko na parang nasa labas lang si babe. Sya talaga yun, kilala ko sya. Bakit ayaw nyang pumasok?

ANG MAHIWAGAWhere stories live. Discover now