Daniel's POVWhy can't it be, why can't it be the two of us....
Masama bang mag'muni-muni sa kawalan habang hawak mo ang picture ng iniidolo mong artista? Hindi na nga idol eh, kundi mahal mo na.
Kailan kaya kita makakamit?
Bakit ba kasi ang hirap mong abutin? Para kang bituin, at ako naman ang dagat.
Hay, ang hirap naman magmahal ng artista.
Sana hindi ka na lang naging artista.
"Brad! Tantanan mo na nga pagiging fanboy mo dyan, pucha lakas maka'bading!" eto namang kaibigan kong 'to ohh.
Kelan ba ko hindi nakarinig ng salitang nakaka'bading mula kay Enrique, kapag hawak ko yung picture ni Kathryn.
"Oh ayan, may mall show. Kaso kasama ang kanyang ka'loveteam. Wag ka na pumunta, madurog pa puso mo. Hindi kita sasamahan para pulutin isa-isa yun!" hindi ko muna pinansin yung sinabi nya at tutok sa tv habang inaannounce yung sinasabi.
"Pupunta ko!" I will mark my calendar, Ynares Sports Arena. 10 a.m, pero kailangan wala pang 10 andun na ako. Para hindi mabagot yung mga tao at may makita silang gwapo.
Mas gwapo pa sa ka'love team ni Kath. Huh!
"Seryoso ka dyan bro?" nagkamot pa ng ulo si Enrique.
"Oo brad! Sasamahan mo naman ako diba?"
"A-yo-ko."
*
YNARES,PASIG. 7 am.
Ang dami na agad tao ah? Halos kulang na lang buong kalsada ang paglagyan ng pila, hindi naman kami naligaw ni Enrique sa pagpunta dito kase lagi ko 'tong nadadaanan papasok ng school.
"Ang init bwisit. Ba't pa kasi ako sumama sama dito eh." di ko lang pinapansin yung pag'rereklamo nya.
"Tangina bro, uwi na ako ah?" maglalakad pa sana sya nang....
"Hi Kuya!" napatigil sya, malamang. May nag'hi sakanya, bumalik sya sa pwesto nya kanina at ayun kasama na yung babaeng nag'hi lang sakanya.
"Fan ka din nila Kathryn at Jerome?" tanong nung babae, with flirty voice. Naku dyan nagsisimula yan.
Ako? Sus! Kung ako tatanungin, fan ako ni Kath. Ni Kath lang, halos patayin ko na nga yang Jerome na yan sa utak ko eh.
Andito naman ako bakit yang Jerome pa, mas gwapo pa ako dyan eh.
Baka isang titig ko lang kay Kath, mainlove na sya saken. Joke. Wish ko lang matitigan ko sya diba?
Oh ayan na umaandar na yung pila, nagpapapasok na daw sila. Si Quen, hindi ko na alam kung saan napunta yun.
"Bawal ang pointed objects sa loob, lahat ng ballpen, pentel, ibigay saken." sabi nung babaeng security guard.
Wala akong nagawa, shit naman. Dalawang pilot at isang pentel yun oh! Shet talaga.
Pagkapasok ko sa loob may namimigay ng pamaypay, Bench na pamaypay ang model, malamang si Jerome. Tss, hindi ko nga tinanggap.
Buti pa sana kung si Kath yun eh.
Tapos may pila na naman, saklap! Sakit sa balat, sacrifice.
Makita lang kita o aking Kathryn.
Maya-maya pa umandar na yung pila para sa merchandise, para makapasok ka sa loob ng arena. Syempre yung album ang bibilhin ko para marinig ko ang napakagandang boses ng prinsesa ko.
Binilhan ko na din si Enrique, di dahil gusto nya kundi dahil para makapasok sya sa loob, dahil malamang mamaya bigla na namang susulpot yun.
"Manong, alam mo ba kung saan nakatira ang prinsesa ko?" tanong ko sa isa sa bouncer, nakikipagbiruan lang naman.
"Sa kastilyo brad." aba, mahusay ka manong ah.
"Mali ka manong. Sa puso ko..."
"Sigurado ka bang lalake ka ha? Kasi sayang ang gwapo mo." baket? Mukha bang pang'bakla yung punch line ko? Buang yung si Manong ah? Konyatan ko kaya?
*
Suko na 'ko sa init, whooo! Ang init mga brad! First time to eh, wala pa akong kaen, pero basta makita ko lang mamaya ang Kathryn ko, busog na ako.
Muntik pang magka'stampede nung biglang umulan, kasi naman ayaw pa nilang magpapasok sa loob ng gym. tsk!
Eh yung pagpasok mo sa loob, may tarpaulin agad na nakalagay, Jer-Thryn Luvies, Kath-Rome FTW. cheche etc.
Huy, sakit sa mata!
Pwede bang KathNiel na lang? Oh diba, mas bagay pa!
Hindi baduy pakinggan, kasi yun ang meant to be.
Teka lang naiihi ako, hinanap ko yung cr muna bago ko hanapin yung upuan ko. Kasi may number seat ang ticket eh.
Pagdating ko sa *BLAGGG!!!*
"Awww." nanlake yung mata ko, whoaaaaaaaaaaaaa.
Kathryn Bernardo, t-teka, saan na ba ako napunta bakit andito..
Nasa labas ako ng Dressing Room nya.
Shit.. Ang ganda nya!
"Hi, Ay sorry ah. Sorry..Sorry po talaga." ngumiti sya, shit. Wag ka ng ngumiti pa.
Lalo akong naiinlove sayo.
"Okay lang, hehe. Sige ah?" hinawakan nya ako sa braso,
hinawakan nya ako sa braso,
hinawakan nya ako sa braso,
hinawakan nya ako sa braso,
Shit!
Ako...Si Daniel Padilla, FanBoy ni Kathryn Bernardo, at hinawakan nya ako sa braso ngayon.
——

YOU ARE READING
I'm Her FanBoy (EDITING)
Fanfiction"...ang isang fan na katulad ko ay hindi naniniwala sa IMPOSIBLE."