Kathryn's POV
Kasalukuyang nag-iinom kami ngayon, kami ah. At kapag sinabing kami,kasama ako. Una nga nagalit pa si Jerome,pero ano bang magagawa nya kung gusto kong uminom.
Yung dalang babae ni Quen, natulog na pati na din yung girlfriend ni Lester. Di daw kasi sila umiinom. Bali kami na lang nila Aria at si Hannah poser ang babae.
"Uy,kanina ka pa tahimik dyan? May problema ka HanHan?" nakunot noo naman si 'Hannah' sa sinabi ni DinDin.
"HanHan?" tanong pa nya.
"HanHan, Hannah. Ano ka ba naman. Nakalimutan mo na tawag ko sayo? Nakakatampo naman." eh kasi DinDin ako yun! AKO YUN FOR CRYING OUT LOUD!!
Itatanong nyo ba kung bakit ko sila naririnig? Katabi ko si Din eh. At ako pa talaga ang tumabi sakanya kasi naiinis ako pag si Hannah poser lang yung katabi nya.
Ugh! Ang clingy ng poser na to ah! Badtrip!
"Sedric bat ang tagal ng shot ko?" reklamo ko pa,parang biglang tumagal eh. Naiirita na ako sa nakikita ko.
Lumalabas ang maldita side mo Kathryn! Tsk.
"Amin na nga. Tagal." inagaw ko kay Sed yung shotglass saka inistraight yun. Napangiwi pa nga ako eh. Ang tapang!
"Grabe,lakas mo pala uminom Kath? Haha." Quen
"Di rin, naiinis lang." napatango na lang sila sa sinabi ko.
"Guys,oo nga pala. Punta kayong game3 ah?" nagkatinginan naman sila. Kahit papano naman naging kaibigan ko tong mga to sa ikli ng panahon, kaya gusto ko pumunta din sila.
"Sure!" sabay sabay nilang sagot.
"Eh ako di mo isasama?" napatingin ako dito sa katabi ko, wow napansin din nya ang existence ko.
"Ikaw bahala." nag-shrug na lang din ako.
Sa loob ng dalawang oras sila lang ni Hannah poser ang magkausap, bakit ba hindi nya napapansin na peke yang kaharap nya?
Bakit di nya napapansin na andito yung totoo? Kung sabagay,paano nga naman nya mapapansin eh miss na miss nya presence ng isang Hannah!
At tong mga kasama namin, bakit ang titibay? Di pa mga lasing, nakadalawang bote ng alak na kami ah. Ako nga nahihilo na eh.
"Uy,tulog na ako." paalam ni Jerome sakanila.
"Sige,sige. Intayin mo na lang ako sa tent mamaya. Night." di na sumagot si praning. Zigzag ang lakad at halos gumapang na nga.
"Ang hina naman uminom ng bestfriend mo Kath, mas malakas ka pa uminom sakanya ah." natawa na lang ako sa sinabi ni Jc.
"Ah..May problema ba si Jerome Kath?" ano namang pakealam mo? Gusto ko sanang sabihin kay poser,kaso baka naman masamain nila kapag sinabi ko yun.
"Di ko alam eh, sige dyan lang ako sa tabi tabi." umalis ako saka naglakad papunta sa kahit saan.
Sana pala hindi na lang ako sumama. O kung sana pala sumama na lang ako bilang Hannah. Para hindi ako naiinis.
Lakad ako ng lakad hanggang sa hindi ko na alam kung saan ako napadpad.
Dito sa gubat. Syete! Nasaan na ba ako?
"TULONGGGGG! MAY TAO BA DYAN?!!!" ugh! Hindi ko na alam kung nasaan na ba ako.
"TULOOOOONNGGGGG!!!! AAAHHHHHH SHOO SHOOO!!"
May....may ahas.. aahhhh!!!!
Wala bang tutulong sakin?
Si superman,wala bang magpapakasuperman para sakin? Eh batman? huhu. Kahit man lang Knight in shining armor wala?

YOU ARE READING
I'm Her FanBoy (EDITING)
Fanfiction"...ang isang fan na katulad ko ay hindi naniniwala sa IMPOSIBLE."