Julia's POV
I don't get it, really! Lagi na lang ako yung nasasaktan dito, ano bang ginawa ko? Nagmahal lang naman, ganun ba talaga dapat lagi? Yung nagmamahal ng sobra yung parating nasasaktan? Ininom ko ng straight yung alak, walang hinto hanggang sa maubos ko yung pang-apat na boteng inorder ko.
Yes, I'm still here sa bar kung saan ko nakita si Daniel kanina, walang pakialam kung kanina pa ako pinagtitinginan at pinag-uusapan ng mga tao dito.
"Isa pa nga." sabi ko sa bartender.
"Ma'am sigurado ho ba kayo? Mukhang hindi nyo na ho kaya."
"You heard me, right? I said isa pa. Wala kang pake kung kaya ko pa o hindi na, just do your job."
Bwisit, pakialamero! Ibibigay din pala saken yung bote ng alak.
"Ma'am sabihin nyo lang po kung hindi nyo na kaya." talagang pakialamero 'tong bartender dito noh?
"Do you know me?"
"Oho, sa pagkaka-alam ko kayo si Julia Barretto, yung artista."
"Buti naman kilala mo ko, akala ko katulad ka ni Daniel eh. Hindi man lang ako kilala, haha! Ibang klase talaga yung lalakeng yun."

YOU ARE READING
I'm Her FanBoy (EDITING)
Fanfiction"...ang isang fan na katulad ko ay hindi naniniwala sa IMPOSIBLE."