Hangga't may iuupdate.. MagUUD na ako. May nagbabasa man o wala. :)) Dedications?
--
8.
"So, tomorrow nyo na ipeperform ang mga ginawa nyong song with your partners sa music hall. Remember guys, ang mananalo bukod sa mataas na grade may possibility pa na kunin kayo ng star records dahil isa sila sa magiging judges." whoooaa.
Akala ko simpleng project lang 'to, I didn't know na may ganun pa palang kasama.
"May mga tanong pa ba?...So, kung wala na, pwede na kayong umalis at magpractice." pagka-alis ng teacher namin, kanya kanyang ingay na naman sila.
"Buti na lang magaling ako magsulat ng kanta, wahaha!" Kats.
"Sus, ang sabihin mo si Aria ang pinagsulat mo." nalaman ko lang rin kagabi, kaya pala sya pumunta sa bahay nagpapatulong sa kapatid ko. -_-
"Wala ka pala par eh, haha buti pa ako! Galing sa puso." Seth.
Galing daw sa puso, baka galing sa nguso. =_= Tss!
"Eh kayo Daniel nakagawa na?" Lester.
"Ako pa ba tinatanong mo nyan Les? Huh! Matagal na noh, puro practice na lang kami lagi ni Hannah."
"Yon naman pinsan eh! Pakopya nga. *Pak* Joke lang eh." Jc.
Loko loko, pakopya daw. Edi nahalata naman yun kapag performance na, baliw.
"Ewan ko sainyo, puro kayo kalokohan eh. Alis na nga ako, may practice pa kame ni HanHan eh." umalis na ako sa harap ng mga mokong at pumunta kay Hannah.
"Tulungan na kita?" ang dami kasing dalang libro eh.
"Salamat. Tara san ba tayo magpapractice?" hmm, oo nga. Saan ba?
"Sa bahay?"
"Hmm, okay lang. Tara?" at ayun, sa wakas! Makikita na din sya ni mama, pati ni Aria.
Kasi last time nung tinanong ni mama kung sino daw si Hannah, sinabi ko kaklase ko. At ang sabi nya, gusto daw nya makilala ng personal eh. Kaya gusto ko syang papuntahin sa bahay nun eh.
*
"Ikaw pala si Hannah iha, kasi alam mo ba..."
"MAA!!! Ano ba..dun nga kayo, pano kami makakapagpractice kung nanggugulo kayo?" sita ko kila mama saka Aria, kasi naman balak pa atang sabihin yung dati..
Ang daldal talaga ng nanay ko nakakainis. >_
"Ang cool pala ng mom mo noh?" cool, di yun cool sadyang pakealamera.
Andito kami sa kwarto ko, oy! Mga utak nyo ah, pakilinis magulo sa sala kapag dun kami nagpractice saka respeto ko naman kay Hannah. Wala pa din yun sa isip ko noh! Kadiri kayo wag kayong madumi mag-isip ah!
"Wow, puro Kathryn? Haha. Ganun mo ba sya kagusto?"
"Hehe, oo eh. Noon."
"Noon? Akala ko ba hanggang ngayon?" umiling na lang ako sakanya.
May kinuha akong frame, ginawa ko to noon nung panahon na obssess pa ako kay Kath. Isang collage, maliliit na picture na puro mukha nya at pinagdikit dikit ko para mabuo ko yung pangalan nya.
Grabe inabot ata ako ng umaga sa pag-gawa nyan, photo paper at ink ang nasayang sa collage na yan. Pero ayos lang.
"Hannah, one last favor?"
"Ano yun?"
Hawak ko pa din yung frame, saka ko inabot sakanya.
"Pwede bang ibigay mo kay Kath to? Nung tumawag ako sayo kagabi, narinig ko kasing may nagsabi na 'Kath ikaw na' naisip ko baka nasa taping ka ng princess & i. Baka kapag nagpunta ka dun ulet, pwede mong ibigay sakanya to." last na 'to, i give up.
Ang hirap din palang umasa na maaabot mo pa yung idol mo.
Na makakausap mo ng matagal at harapan yung artistang gustong gusto mo.
Artista sya eh, at ordinaryong tao lang ako.
"Ako? Nasa taping kahapon?..ahh.Oo nga pala, hehe..Sure sige." ngumiti ako sakanya.
*
Kath's POV
Grabe! Ang ganda nito, tinititigan kong maigi yung bigay ni Daniel sakin na collage. Di ko maisip na may gagawa pala ng ganito para saken.
Pero...nalungkot naman ako nung sinabi nyang ganun nya ako kagusto NOON. Ibig sabihin ba nun hindi na nya ako gusto ngayon?
"Salamat Hannah, sabihin mo sakin kapag naibigay mo na sakanya yan ah.Alam mo kasi, sabi ko noon kapag naibigay ko na kay Kath yan. Titigil na ako sa pagiging fanboy nya." aww nakakalungkot, talaga bang ayaw na nya saken?
"So, titigil ka na sa pagiging fan nya?" malungkot kong sabi, pero kailangan hindi masyadong halata.
"Oo eh, para maumpisahan ko na panliligaw sa isang babaeng nagpapasaya saken lagi." nagpapasaya sakanya lage?
Baket parang may kung anong kumirot sa puso ko nung marinig ko yun?
"Uyy, ikaw ah.. sino naman yan?" lumapit sya sakin, kinuha yung frame na hawak ko at nilapag nya sa kama saka hinawakan yung kamay ko.
"Yung babaeng nakilala ko noon sa Bhuttan nung wala akong kasama magsaya, yung babaeng kasimplehan ang panlaban, yung babaeng ngiti pa lang ang ganda ganda na, yung babaeng matalino na kahit tawaging nerd sa school baliwala lang sakanya." bakit parang....
Bakit parang...bigla akong kinabahan? Biglang bumilis yung tibok ng puso ko?
"At higit sa lahat yung babaeng kaharap ko ngayon, yung babaeng nagmamay-ari ng nakakaaliw na pangalang HANNAH BISHI."
AKO?
O___O
Te..teka..Bakit sya lumuluhod?
"Hannah, papayag ka ba kung liligawan kita?"

YOU ARE READING
I'm Her FanBoy (EDITING)
Fanfiction"...ang isang fan na katulad ko ay hindi naniniwala sa IMPOSIBLE."