Kath's POV
November 18, may practice sana kami ngayon ni Daniel para sa music namin. Siguro naman alam nyong ako si Hannah diba? Sa totoo lang, hindi ko din alam kung paano ko naisip yung hannah. -_-
Siguro kasi nung time na tinanong nya yung pangalan ko, may nakita akong kung ano. Tapos ang brand HannaBishi, urgghh ang korni!
Hindi ko nga alam na dun din pala sya nag-aaral sa school na pinaglipatan ko, actually alam ng mga staffs ng school na ako si Kathryn. Pero konting tao lang talaga ang nakakaalam ng totoong ako doon, mahirap na.
Kaya nga ako nag-aral dun para maranasan ko ang buhay ng isang normal na teenager, yung nag-aaral sa school mismo, yung may mga kaibigan na hindi artista, yung may kalayaan ka kung anong mga gagawin mo, yung hindi hinuhusgahan mga ginagawa mo, at higit sa lahat yung malayo sa camera.
------
Ingat ka na lang dyan HanHan ah? :)
------
Galing kay Daniel ang text na yan, sabi ko kasi pumunta ako sa probinsya kaya hindi ako makaka'attend ng practice namin. Buti naman at pumayag sya at naniwala sakin.
Ang totoo nyan, ngayon kasi ang game2 ng Princess & I at syempre kailangan kong pumunta. Eto na naman ako, kailangan ko na namang maging isang KATHRYN BERNARDO talaga, isasantabi ko muna si HANNAH.
Nasa may dressing room ako, naririnig ko na ang mga tilian ng mga tao. Nakakatuwa dahil may mga taong sumusuporta at nagmamahal sakin bilang Kathryn Bernardo,
....pero natutuwa din ako kasi may isang tao na tumanggap sa isang Hannah Bishi. At yung taong yun? Walang iba kundi si DinDin ko.
Ang gaan talaga ng loob ko sakanya, siguro alam kong mabuti talaga syang tao. Pero alam nyo ba nung sinabi nya sakin na gumawa sya ng kanta para sakin, tuwang tuwa ako.
That's the first time na may gumawa ng ganun sakin. Kaya hindi ko masisisi yung puso ko nung mga panahon na yun kung bakit ganun ang inakto.
"Hey, nginingiti ngiti mo dyan? Prang ka talaga!" tss, inggit na naman si Jerome.
"Whatever Ponce, palibhasa kasi di ka makaporma sa Soberrano mo. Ble :P hahaha!!" totoo naman, di kasi nya mapormahan si Liza kasi naunahan sya ni Kit. Wahaha, kawawa naman bestfriend ko.
"Ikaw! Yari ka sakin tamo." im scared. Hahaha!
"Lumayas ka na daw ng dressing room kasi sasayaw ka na. Galingan mo ah! Haha!" mukha lang syang timang na tumatawa dun, samantalang ako lumabas na nga ng dressing room, pero paglabas ko nakasalubong ko si Dominique.
"Uy Kath, susunduin pa lang sana kita eh. Buti at lumabas ka na. " ewan pero naiilang ako sakanya, di ko nga alam kung paano namin naitatawid yung mga scenes minsan eh.
Oo, sya yung karibal ni Jerome sa teleserye namin.
"Ah ganun ba? Sige una na ako. " naglakad na ako palayo sakanya at tinawag na nga ako para magperform.
**
Daniel's POV
Mula ngayon, buhay ko'y mag-iiba.
Lumalabas ang tunay na ganda.
Hindi inakalang magbabago ng isang katulad mo.
Ang lupit ko ba? Yan lang naman ang kakantahin namin ng HanHan ko para sa music namin, galing mo talaga Daniel!
Andito lang ako ngayon sa bahay at nanunuod ng tv, wala akong magawa dapat may practice kami ngayon ni HanHan ang kaso uuwi daw sya ng probinsya nila. Minsan na lang daw nya kasi makita grandparents nya.
Ang bait na tao talaga ni HanHan, kung ako talaga wala ng pag-asa kay Kathryn ko.
....si HanHan ang pipiliin ko, kesa naman sa mga babae dyan na kung pagkaguluhan ako akala mo artista din ako. I know, gwapo ako girls. Pero hindi nyo na kailangang maghabol.
Ang panget tignan sa babae na kayo ang naghahabol, nagmumukhang cheap eh.
Okay ang daldal ko na, mukha na akong bakla! -_-
"Kuya, bye!" lumapit sakin si Aria sabay batok.
Tae talaga 'tong kapatid kong 'to! Napakagalang sa kuya nya, at aalis na nga lang may batok pang kasama. Hay naku, wag nyo ng itanong kung saan sya pupunta may date lang sila ni Katsumi! Tae napapadalas ata labas nitong ugok na to sa kapatid ko ah?
Baka mamaya, biglang liko ang gawin nitong mokong na 'to. De, joke lang. Pareho ko naman pinagkakatiwalaan yan eh kaya steady lang ako, kapag sinaktan lang talaga ni Kats kapatid ko. Pasensyahan pero makakalimutan kong kaibigan ko sya.
"Ay wait! Kuya, ngayon yung game 2 ah? Bakit hindi ka pumunta?" oo nga, alam ko. At pinaalala pa talaga nya sakin.
"Alam ko, wala eh. Wala akong kasama, si Quen busy sa pakikipaglandian yung mokong na yun! Parang kayo ni Kats! Lumayas ka na nga sa harapan ko!" tas sinipa ko pa sya, at ang loka binatukan pa ako ulit.
Napakasweet naming magkuya ano?
Bakit kaya hindi nagreply si HanHan kanina sa text ko? Busy kaya yun? E kung itext ko kaya sya ulet? Namimiss ko na sya eh.
--------
HanHan, busy ka pa din ba?
--------
Siguro mga 20 minutes din inantay ko pero wala pa ding reply.
Shit ang ganda talaga ni Kath 'noh? Ayun sya ngayon oh, nasa tv! Grabe, makalaglag brief! Woooohh!
Ang daming tao na pumunta sa game 2 ah, kung sabagay karamihan din dyan mga babae. Fans ng loveteam na kinabubwisitan ko, ang KATHROME AT KATHDOM. Psh.
Ang sagwa noh? Sabi sainyo talagang mas SWAKSIK ANG KATHNIEL.
Yan ang solid! Meant to be pa.
-------
Hello DinDin, okay lang ako. Sorry kung ngayon lang kita nareplyan ah, medyo madaming ginagawa eh.
I'll see you tomorrow. Ikaw ang mag-ingat sa mga fangirls mo, haha. :)
P.S: HanHan is missing you right now.
------
O_O
Bakit ganito? Ang tae!
Yung puso ko bumilis ata yung pagtibok, dyahe! Hindi ko alam, pero bigla na lang akong napangiti sa text nya.
Ganun ba ako kaimportante kay Hannah? Na kahit madaming ginagawa nagagawa nya parin magreply.
"Huy ba't ka nakangiti dyan ha, Danyel?"
"Ha? Oo ma."
Hawak ko pa din yung cellphone ko, nakatitig sa reply nya sakin. Ano ba dapat kong ireply sakanya? Miss ko din sya? Ah mga par tulong nga! Tae bakit ganito!
*Pak*
"Aray!"
"Nasa impyerno na naman yang utak mo, hoy Daniel. Tinatanong kita kung bakit ka nakangiti dyan sasagutin mo ko ng Oo ma? Nababaliw ka na ba?"
"Oo ma."
*Pak!*
Ouch, pangalawa na yun ah.
"Ano ba ma, mabobo naman ako nyan!"
"Tanga! Matagal ka ng bobo, ano na naman nginingiti ngiti mo dyan?" tumingin si mama sa tv, tas tumingin ulit sakin.
"Eh kaya ka naman pala ganyan kasi, nasa tv ang Kathryn mo!"
"Hindi si Kath ma."
"E sino?"
"Si Hannah."
--
Sa mga gusto po magpadedicate, post nyo po sa mb. Makakalimutin ako e, haha. :)

YOU ARE READING
I'm Her FanBoy (EDITING)
Fanfiction"...ang isang fan na katulad ko ay hindi naniniwala sa IMPOSIBLE."