O jusko. Ang daming nagalit kay Daniel, natuwa naman ako. Chos Epektib eh. =)
- -
Daniel's POV
Tatlong araw na...tatlong araw na nakakalipas simula nung pangyayaring yun, pero hindi pa din ako makapaniwalang niloko ako ng artistang katulad nya. Gusto nyang mag'explain? Bakit, para saan? Para lokohin lang ako ulit. Panigurado namang puro kasinungalingan lang din ang sasabihin nya sakin eh.
Simula pagkabata ko sya na pangarap kong makita. Nakakatawa naman, yung pangarap ko pang makita ang mang'gagago sakin ng todo, di ko inakala.
"Pre, kelan ba kayo magpapansinan ni Katsumi? Aba, wala naman syang kasalanang ginawa." si Sed lang ang kasama ko palagi, dahil galit nga ako kay Katsumi pati na din sa kapatid ko.
Kapag nasa bahay kami, para kaming hindi magkakilala dahil hindi kami nagpapansinan o nag-uusap.
Hindi ko sinagot si Sed sa tanong nya, umiling lang ako sabay umupo sa pwesto ko. Sakto namang andito na din pala sa classroom si Katsumi. Ganun pa din, wala pa din kaming pansinan, para bang nawala ang sampung taon na pinagsamahan naming dalawa.
Maya-maya dumating na din ang teacher namin, ano bang subject ngayon? Hindi ko alam -_- hindi naman ako estudyanteng nag-aaral, estudyanteng pumapasok lang ako. Tss.
"Malapit na Foundation week natin. Gusto kong tumugtog ang banda nyo Mr.Padilla sa gagawin nilang mini concert dito sa school." tss.
"Okay ba sainyo yun? Mr.Padilla and company?"
"YES mam!" sabay sabay nilang sabi, samantalang ako tumango lang.
**
"Pwede bang magbati na kayong dalawa?" andito kami ngayong lima sa pwesto namin sa caf. Lunch break eh, at kanina pa din kami pinipilit ng mga to na mag-usap na ni Katsumi.
"Bakit ako makikipagbati dyan?"
"Gago ka pala eh." kinuwelyuhan ko kaagad sya.
"Oh. oh tama na! Nasa school tayo Daniel." binitawan ko sya at tinulak. Tss, kahit kelan talaga!
"Masyado kang hot pre, pwede bang patapusin mo ko? Ang sinasabi ko kasi..Bakit ako makikipagbati dyan kung hindi naman kame magka-away." nagulat sila sa sinabi ni Katsumi, kahit naman ako. Tsk, siraulo talaga.

YOU ARE READING
I'm Her FanBoy (EDITING)
Fanfiction"...ang isang fan na katulad ko ay hindi naniniwala sa IMPOSIBLE."