Aria's POV
"Actually po, hindi ko po talaga sya boyfriend. Uhm, natyempuhan lang na nagkukulitan kami nung tao na yun nung mga panahon na yun, wag na po natin syang idamay sa issue na 'to."
"Pero totoo bang may tinatago kang boyfriend?" the reporter asked.
"Hindi po yun totoo, I have no boyfriend. I'm well focused on my career." then she smiled.
"Matanong lang namin, sino ba yung lalake na yun? Kasi parang super close kayong dalawa? And I can see some chemistry, you guys look good together." ibubuka pa sana nya yung bibig nya ng umeksena na yung manager nya.
"Okay, salamat po. Thank you." at pinalibutan na sya ng mga securities.
"Miss Kath, can you just answer kung ano sya sayo? Is he important to you?" nagkatitigan muna sila ng manager nyang si Ate Jenner, then tumango sakanya si ate, saka tumigil si Kath para sumagot.
"He's more than important." and then they left.
Did she just said na kuya is more than important to her? Oh noes. Kahit na gusto kong kiligin, HINDI PWEDE! NO.NO. Ugghh! Ewan hindi ko maintindihan sarili ko.
Minsan gusto ko sila na...tapos biglang mamaya ayoko na kasi...ano ba yan! Di ko matuloy yung sinasabi ko, ano ba yan! Masyado akong madaming alam, ayan tuloy ako ang naiistress!
"Aria nasaan ang kuya mo? Hindi pa ba umuuwi? " tinignan ko si mama habang yakap yung unan na regalo ni kuya noon, ewan..pero kapag hindi ko to katabi matulog hindi ako makatulog, mas okay pang katabi ko to kesa kay Kats.
Speaking of him..nagtext pala si Kin, teka nga baka magalit 'to kapag hindi ako nagreply.
From: Kin
Alam na ba ni Kath kung sino yung fake na Hannah? Anyway, kung anoman ang mangyari sakanila leave that to them. I don't want you to get involved, okay? Alam ko nagaalala ka lang sa mararamdaman ng kuya mo, but just leave it..
Sleep ka na, I love you!!
Kahit gusto kong hayaan na lang sakanila yung problema na yun, parang ayaw ko. Kasi paano ko ba naman maaatim na hayaan na lang sakanila yun, kung ako ang kaisa-isang nakakaalam ng lahat? Bukod kay Kath.
Si Katsumi? Oo, alam nyang ang totoong Hannah at si Kath ay iisa, pero yun LANG ang alam nya.
To: Kin
I'm planning to tell her maybe when she's free. Kin, you think kaya kong hayaan na lang sakanila ang lahat? Alam ko may masasaktan eh, specially my brother... Lalo pa ngayong nahuhulog na talaga sya kay Kath, hindi lang dahil idol nya si Kath.
Ahh. Nevermind, thank you. I love you most. Goodnight!
Pagkasend ko ng reply, nilapag ko na yung cellphone ko sa lamesita sa harap ko. Then nanuod na lang ulit, Princess & I. Napakaaga pa pala kung patulugin naman ako nito ni Katsumi akala mo bata ako, well, di pa ba ako sanay? Palibhasa kasi antukin yan eh.
"Huy Aria Padilla, im asking you nasaan ang kuya mo?" ayy, andito pa pala si mama. Nakalimutan ko, hehe.
"Di ko alam ma, maybe kasama ang mga PEKE sa mundo, tss."
"Aria..." speaking. tsss, kainis! Galit pa din ako sakanya noh! Kahit pa yakap ko yung unan, galit pa din ako.
Ngayon nya lang ako sinigawan ng ganun, I mean, oo sinisigawan nya ako PERO pag nagkukulitan lang kami nun. Ngayon lang yung sinigawan nya ako para sa ibang tao, at sa PEKENG yun pa. Nakakainis! Nagseselos ako sa babaeng yun, kinukuha nya sakin ang kuya ko.

YOU ARE READING
I'm Her FanBoy (EDITING)
Fanfiction"...ang isang fan na katulad ko ay hindi naniniwala sa IMPOSIBLE."