IHF. Chapter4

26.7K 451 43
                                        

Daniel's POV 

Nung dakpin ako nitong lalakeng to ay hindi ako mapakali, pinapasok ako sa hotel, at pinagbihis ako , dun daw ako magstay habang andito ako, ang sosyal na ata ng pangkikidnap ngayon? 

"Eh kuya saan ba tayo punta? Uwi na ng pinas?" kanina pa kasi kami nasa kotse, tumawa naman yung nagdadrive. 

"Sa taping ho ng princess & i." aaah

"Dapat sinabi mo kaagad kuya...Wait.. ANO?!!!!!!!!!!!! TAPING NG PRINCESS & i?!!!! AS IN... TAPING...TEKA...BAKIT NAMAN NGAYON MO LANG SINABI MANONG, ANG PANGET BA NG SUOT KO HA? GWAPO BA AKO?!" tumigil si manong sa pagdadrive. 

"Sir, di na pala tuloy, nagpack up daw bigla next time na lang daw ho.." HA? NAGPANIC PANIC AKO TAPOS PACK-UP BIGLA..

AKALA KO YUN NA EH, AKALA KO..AYY KAINIS! 

WAIT ANG INTENSE NAMAN, KAILANGAN ALL-CAPS? tsk. 

Pagdating ko ng hotel na tinutuluyan ko, wala bagsak ako sa kama, nung sinabi kasi ni manong na pack-up na daw sabi ko sakanya maglilibot na lang ako. Sa isang araw pala uuwi na ako ng Pinas, oo ganun kabilis. Eh kasi naman ano bang ginagawa ko dito? 

Sinusulit ko lang naman yung nagbigay nung ticket sakin, ang kaso hindi ko naman masulit kasi nga hindi ko mapuntahan si Kathryn KO! Buti pa sa Pilipinas ang dali nya lang puntahan. Eh dito? Tsk! Ang boring boring dito. 

Itutulog ko na lang to, at bukas na bukas, bago ako umuwi ng Pinas sisiguraduhin kong kahit masulyapan ko man lang si Kath ay magagawa ko! 

**

"Anak umuwi ka na lang nga! Namimiss ka na namin!" sabi ni mama sa kabilang linya. 

Ang yaman ng nanay ko, may pantawag para sa ibang bansa. "Ma, bukas uuwi na ako. Wag kang OA! Sige na maglilibot pa ako!" di ko na sya pinatapos at binaba ko na. 

Nakakawalang gana talaga dito, pumunta ako sa may parang tyanggian dito sa lugar nila. COOL parang pinas lang, kaso ang hahaba ng mga damit na binebenta. Ganito ba talaga mga damit ng mga tao dito? Eh ano namang mabibili ko sa mga kaibigan ko kung puro ganyan. Baka kuyugin ako ng mga yun kapag wala akong pasalubong sakanila. 

Tsk, yaan mo na nga! Bumili ako ng mga accessories, wala lang gusto ko lang. Eto na lang pasalubong ko sakanila, eto lang kaya ng budget na dala ko eh! 

"Ang ganda ng mga tinda nila dito noh?" napatingin ako sa babaeng nagsalita. 

Uso din pala dito ang mga nerds, pero teka. Pinay sya? She's wearing a big eyeglasses, nakaipit na buhok, may braces, makapal ang kilay, tapos yung balat nya, ewan kung anong nangyari, may mahabang palda. Oy hindi ko sya nilalait ah? Dinedescribe ko lang kung anong suot nya. 

"Oo nga eh, wala sa Pilipinas ng ganito. Teka...Pinoy ka din? ano namang ginagawa mo dito sa Bhuttan? Dito ka na nakatira?" masyado akong na'excite.. Ngayon lang ako naka'kausap ng babaeng Pinay dito eh, kasi naman mula sa hotel na puro alien ang mga salita. Si manong na lang ang kilala ko.

"H-ha..A-ano...wala..bakasyon?" 

"Ohh..okay.. Gusto mo samahan mo muna ako? Wala kasi akong makausap habang naglilibot dito eh." ngumiti sya, shet. Ang ganda pala nya kapag ngumiti eh. 

Parang tumibok ata puso ko dun, di pwede to. Kay Kathryn lang ang puso ko! Kaya nga ako pumunta dito para sakanya eh. 

"S-sure.. Salamat.." 

"Para saan naman?" 

"Kasi..ano...ikaw lang ang naglakas loob na sumama sakin, akala ko sa pinas lang ang mga mapangmata na tao, dito din pala." 

I'm Her FanBoy (EDITING)Where stories live. Discover now