Kathryn's POV
Halos sabayan ko na din sa pagpupuyat si Daniel, mabuti na lang at pinayagan akong mag'extend ng bakasyon bago simulan ang movie na gagawin ko.
"Dindin, kain muna tayo saglit."
"Ayoko." Aish, ang tigas ng ulo!
Pagkatapos kong humingi ng sorry sakanya nun sa hospital, dalawang araw na nakakalipas, niyakap nya ako at sinabing wala akong dapat na ihingi ng tawad. Pero hindi ko muna sinabi sakanya na si Dom ang may pakana ng lahat, ayokong isipin pa nya yun. Ang dami na nga nyang problema ngayon eh, ayoko ng dumagdag pa saka isa pa kaya ko naman siguro yun ng mag-isa lang. Oo nga pala, dalawang araw na din akong andito lang palagi, sinabi ko naman kay papa ang tungkol dito gusto nya nga sana daw na magpunta pero pinipigilan sya ni mama. Hayy. Kaya dahil dun, nagpadala na lang ng bulaklak sila papa.
"Din, wag na matigas ulo. Sige ka, magagalit na naman si Aria sayo." kaya ko nasabing na naman, e dahil sa nanaginip daw sya nung isang araw na pinapagalitan sya ni Aria kasi hindi daw sya nagkakakaen at kung ano anong ginagawa sa sarili.
Tumayo na ako at hihilahin na sana sya kaso imbis na sya yung madala ko para tumayo e, ako yung nadala nya paupo.
"Just stay here please." mahina at seryoso nyang sabi. I nodded as an answer. Kinuha nya yung kamay ko at hinawakan yun.
"Please.Dont leave." I smiled.
"I won't."
Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Daniel ngayon, alam kong mahirap kaya nga andito ako para sakanya and as much as possible ayokong iwan sya. Kasi alam ko, sa mga taong nakapaligid na lang sakanya, dun na lang sya nakakakuha ng lakas ng loob.
At pati na din si Tita Karla, napatingin ako sa pwesto nya, kausap ni Tita ang magulang ni Kats. Oo, umuwi sila sa dinami-dami ng dahilan ang pagkamatay pa ni Aria ang magiging dahilan ng pag-uwi nila. Kahit papano daw e nagpapasalamat si Kats sakanila, dahil dumating sila sa panahong kailangan nya ng magulang. Aww, Kats.
Tumayo ako para sana puntahan yung kabaong kung nasan sya, pero biglang humigpit ang hawak ni Daniel sa kamay ko.
"Lalapitan ko lang si Kats saglit okay? Di ako aalis." nag-smile ako para siguraduhing dito lang talaga ako, nag-nod naman sya at binitawan yung kamay ko. Kaya pumunta ako sa pwesto ni Kats, kung saan andun sya binabantayan si Aria.
"Kats." agad naman syang napalingon sapagtawag kong yun.
"Uy, Kath. Hindi ka pa ba hinahanap sainyo?" umiling ako.
"Alam naman ni papa kung nasaan ako, at alam nya yung nangyari. Kats, alam ko hindi ka okay pero tandaan mo andito lang kame ah?" ngumiti sya sakin pero alam ko matamlay yun.
"Masakit pa din kasi Kath, hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala at ayokong maniwala." kung nung isang araw pinipilit maging okay ni Kats, habang kinukwento nya sakin yung nangyari kay Aria. Ngayon hindi na, hindi na talaga nya kayang mag-panggap.

YOU ARE READING
I'm Her FanBoy (EDITING)
Fanfiction"...ang isang fan na katulad ko ay hindi naniniwala sa IMPOSIBLE."