Ayan ha! Kakapost ko pa lang ng ud,pag maynagcomment na naman ng 'ud na' ewan na lang. Sana po maintindihan nyo na hindi madaling gumawa ng chapter lalo pag di ka naman totoong writer. :) magustuhan nyo nlng sana.
---
Daniel's POV
Tulad nga ng inaasahan ko, madaming pupunta dito umaga pa lang.
10:40 pa lang to be exact, at present na ako agad.
Bumili na ako ng album nya para makakuha ng pass. Mamaya pang 4:30 ang show pero andito na ako.
Well, ganun talaga kapag fanboy ka eh. Para hindi ka maubusan, at para malapit ka kailangan agahan.
May seat no. yung mga passes, pang no. 24 ako, malapit lapit lang.
Maglibot libot kaya muna ako? Maaga pa naman eh.
Good decision. Ayoko namang makisama sa mga nakapila, at saka isa pa nagugutom na ako.
Nag-ikot ikot muna ako at sa pagiikot ko, nakita ko sila Aria at Katsumi.
Naman tong dalawang to, hindi pa ba sila nagsasawa sa pagmumukha ng isa't isa? Lagi na lang magkasama.
Pero alam nyo, hanga ako sa dalawang yan. Mag-iisang taon na yan, tibay diba? Huh! Takot lang ni Kabe sa kamao ko.
"Kuya!" tatawagin ko pa sana sila kaso naunahan na ako ni Aria, sya na mismo tumawag sakin.
"Magsawa nga kayo sa pagmumukha ng isa't isa, nagiging magkamukha na kayo oh!" sabi ko na lang sakanila.
"Ayaw mo nun pre?" Kats.
"Ayaw na ayaw,ANG PANGET MO EH." at inemphasize ko pa talaga yung word na ang panget mo. Haha.
At ang loko umakto namang nasaktan kunwari.
"Gwapo ko kaya, teka..bakit ka ba andito?"
"SAYO TO? SAYO? BAWAL PUMUNTA?"
"Easy! nagtatanong lang eh. Oo nga pala, may event si Kath. Supportive suitor! Haha." ano daw? Supportive suitor?
SUPPORTIVE BOYFRIEND KAYA!
Nakita ko namang biglang siniko ng kapatid ko si Kats, at pinanlakihan pa ng mata. Eto namang mokong natakot.
Hahaha! Langya. Under naman pala tong si Kats kay Aria.
"Sige na pre, una na kami baka kung ano pa masabi ko at bigla akong madulas." madulas? huh? Napa-kunot noo ako sa sinabi nya.
"Madulas kasi yung floor, tignan mo yun oh nagmamap. Oh sya, kita na lang tayo sa outing ah." tumango ako sakanya.
"Bye kuya! Enjoy your day! Have fun! Loveyou. YUCK!" -______- baliw talaga kapatid ko.
-
Sa paglalakad ko, dito na lang ako tumigil sa figaro.
Matagal tagal na din akong hindi nakaka-kaen dito ah.
Madaming taong kumakaen,umiinom ng kape. Lumapit ako sa cashier at sinabi yung order ko.
"Iseserve na lang po namin sir." humanap ako ng upuan, pero bago ako makaupo. Someone caught my attention. Is it?
"Kuya Jiro?"
"Daniel? Oy! Dan. Ikaw pala yan, gwapo mo na ah."
"Syempre, teka musta? Magkakape ka din?" umiling sya sabay tawa.
Baliw pa din sya, walang pinagbago.
"Tinitignan ko lang kung maayos bang nagtatrabaho ang mga empleyado ko."

BINABASA MO ANG
I'm Her FanBoy (EDITING)
Fanfiction"...ang isang fan na katulad ko ay hindi naniniwala sa IMPOSIBLE."