IHF. Chapter38

14.6K 249 6
                                        

Daniel's POV 

Ngayon na lang ulit ako pumasok sa school, pagkatapos ng nangyari. Halos lahat ng taong makasalubong ko tinatanong ako kung okay lang ako. Tatlong linggo na din nakakalipas pagkatapos ng pagkamatay ng kapatid ko, at oo tatlong linggo akong hindi pumasok kahit na alam kong patapos na ang school year. Si Liza ang kumausap sa lolo nya na bigyan na lang muna ako ng school works na gagawin sa bahay. Mabuti na lang at pumayag ang lolo nya. 

Sa tatlong linggo na yun, lahat kami hindi pa sanay, naninibago pa at hindi pa matanggap. Lalong lalo na ang kaibigan ko, si Kabe. Minsan halos gawin na nyang bahay nya yung puntod ni Aria, dun sya natutulog at katabi nun ang bote ng alak. Isang linggo din nyang ginawa yung routine na yun, kaya lahat kaming mga kaibigan nya nag-alala sakanya. 

Mabuti na lang nga at nakarating sa magulang nya ang ginagawa nya kaya umuwi sila dito ulit. Iba na talaga magulang ni Kabe ngayon, dati halos magpakamatay na sya para puntahan lang sya pero ngayon isang tawag lang uuwi na kaagad. 

Siguro dahil alam nilang kailangan ng taong masasandalan ang anak nila, at alam nilang kahit andito ang mga kaibigan nya mas kailangan pa din nya ang magulang nya. 

"Oh, pare, namamaga na naman mata mo? Tsk! Nakipagkagatan ka na naman ata sa ipis eh." biro ni Sed sa bagong dating na si Kats. 

Andito kami ngayon sa studio, excempted kami sa klase kasi bukas na gaganapin yung foundation day at bukas na kami tutugtog. Pinag-isipan naming walang kakanta sa brighter, kumbaga gagawin namin yung tribute sa kapatid ko. May projector at dun ipapakita mga pictures o video na ginawa nya, si Kath ang nakaisip nun kaya um-oo na din kaming lima. Magandang ideya din naman yung naisip nya, kasi hindi rin naman kakayanin ni Jc kung sya ang kakanta. 

"Manahimik ka Sed ah, baka mamaya bumalik na naman yan sa pagiging lasinggero." banat naman ni Lester. Eto talagang mga 'to, si Kats na lang lagi ang trip. Lumapit si Jc kay Kabe at inakbayan.

"De pare, loko lang. Alam mo namang pinapasaya ka lang namin eh. --Aray, bat ako?" napayuko si Jc sa sakit. Haha! Yan kasi trip nyo lagi si Kabe eh. 

"Tara practice na lang tayo, dadaldal nyo eh. Daig nyo mga babae." bago ko hawakan yung gitara ko, naramdaman kong nag'vibrate yung cellphone ko sa loob ng bulsa ko kaya kinuha ko yun kaagad. 

Si Kath pala yung nagtext. 

"Dindin, tapos na po yung photoshoot. Diretso na kami ni Jerome sa taping ah?" napangiti ako agad.

I'm Her FanBoy (EDITING)Where stories live. Discover now