eto na po ang update. SABAW AT HINDI MAIPALIWANAG.Babawi ako, lalo na at may dumating na bagong character. :>
—
Kathryn's POV
Ang sabi kong NAP ay naging tulog na talaga hanggang umaga, kaya eto ngayon nakasakay na naman ako sa motor nya dahil ihahatid nya daw ako sa bahay. Paniguradong sermon ang aabutin ko mamaya sa set kay ate Jen, at paniguradong magagalit sakin si mama. *sigh* Nakatulog din kasi si Din kaya hindi na namin namalayan pareho ang oras.
"Ri, kapit kang maigi.Bibilisan ko na." at ginawa ko naman ang sinabi nya, kumapit ako ng maigi sa bewang nya at wala pang tatlumpung minuto nakarating na kami sa bahay.
"Sure ka bang ayaw mong ihatid kita hanggang loob?" tanong nya sakin, bumaba na ako ng motor nya at tinanggal ang helmet sa ulo ko.
"Okay lang, ingat ka ha." ngumiti sya sakin at tumango.
Bubuksan ko na sana ang gate nang makita ko si mama na nakatayo sa labas ng pinto. Galit at hindi maipaliwanag ang itsura nya, alam ko namang magagalit sya.
"Din, umuwi ka na." imbis na sundin nya ako ay binati pa nya si mama.
"Goodmorning po, pasensya na po ku---"
OUCH! SH*T!
"Walanghiya ka talagang bata ka, iniwan mo yung trabaho mo pag tapos may kasama ka lang pala na lalake. Ang landi mo talaga, manang mana ka sa tatay mo!" hawak nya ang buhok ko ng sobrang higpit. Ang sakit! Parang matatanggal. Ugghh
"Ma..A-raayy."
"Tita, tama na po wag nyo naman po saktan si--"
"TUMIGIL KA! ANAK KO TO KAYA WALA KANG KARAPATAN SABIHAN AKO KUNG ANONG DAPAT GAWIN SAKANYA, LUMAYAS KA SA HARAPAN KO. HINDI KA NABABAGAY SA ANAK KO!!!..AT IKAW!! TALAGANG PINAPAINIT MO ULO KO." lalo pa nyang hinigpitan ang hawak nya sa buhok ko, sobrang sakit na. Hinila nya ako papasok sa loob nang nakakapit pa din sa buhok ko, at iniwan si Daniel sa labas.
Sana wag sya mag-alala sakin.
—
Daniel's POV
"Aria, abot mo nga kanin." kanina pa ako nakauwi, heto at kumakain na ng lunch.
"Baka naman kasi talagang nagalit mama nya 'nak, kayo naman kasi bakit natulog ng straight." kinuwento ko na din kay mama yung nakita ko kanina, hindi ako makapaniwala sa nagawa ng mama ni Kath sakanya. Para bang hindi anak kung ituring sya ng mama nya.

YOU ARE READING
I'm Her FanBoy (EDITING)
Fanfiction"...ang isang fan na katulad ko ay hindi naniniwala sa IMPOSIBLE."