Nung bata ako, kapag madaling-araw umaalis si papa para magdeliver ng pagkain sa palengke. Tinanong niya ko one time kung gusto kong sumama, pumayag ako. Pinabitbit niya sakin yung flashlight niya, at dahil excited ako, lumabas agad ako ng kwarto namin at pumunta ng sala. Nakapatay lahat ng ilaw sa sala nung time na yon. Natagalan ako kay papa, kaya binuksan ko muna yung flashlight, nilaro ko saglit kunyari ilaw yun sa club haha. Tapos finocus ko yung ilaw sa sala set namin, sa may lamesa. Nagtaka ako kasi may gumagalaw na bagay eh wala namang tao sa sala nun.
May buhok ng babae, yung parang ulo ni sadako yung tipong gusto niyang sumilip na ewan tapos gumagalaw pasideways yung ulo niya.
Di ko alam kung gusto niyang makiparty sa ilaw ko o ano eh haha nyeta
(c) https://www.facebook.com/350647578436189/photos/a.351310901703190.1073741828.350647578436189/351696368331310/?type=1
